Sagot :
Answer:
BAKIT MAHALAGA MAKITA ANG PAGPAPATAKBO SA LIPUNAN BILANG KAPWA PANANAGUTAN NG PINUNO O MAMAMAYAN
Mahalaga na makita ang pagpapatakbo sa lipunan upang magkaroon ng transparency kung ano na ang nangyayari sa lipunan. Ang isang taong nagsisilbi sa lipunan ay binigyan ng karapatan at responsibilidad na kanilang sinumpaan, at upang maiwasan ang tinatawag na graft and coruption..Ito ay isang sularinin mag mula noon hanggang sa kasalukyan, kaya mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan.
Graft and Corruption
Ang graft ay tumutukoy sa ilegal na pagkuha ng salapi mula sa pondo ng bayan ng mga pampublikong opisyal para sa pansariling kapakinabangan.
Ang corruption ay ang hindi marangal, mapanlinlang, at makasariling pang-aabuso sa ipinagkatiwalang kapangyarihan para sa pansariling pakinabang.
Mga Uri, Pamamaraan, at Dahilan ng *Graft and Corruption*
May iba't ibang uri, pamamaraan, at dahilan ng graft and corruption.
- Pangingikil
- Pagkakaroon ng mga ghost project at mga ghost employee
- Pansariling pakinabang
- Panunuhol
- Pangungunsinti ng mga mamamayan
- Mga ilegal na gawain
- Pamimili ng mga boto
- Paglaan ng mga trabaho
- Nepotismo
- Ilegal na pagpapayaman
Ang lahat ng mga gawaing ito ay nagdudulot ng pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan sa mga tagapanglingkod ng sambayanan. Naaapektuhan din nito ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawain ng pamahalaan, lokal man o pambansa.
Mga Epekto ng Graft and Corruption sa Aspektong Pangkabuhayan at Panlipunan
May tatlong pangunahing epekto ang graft and corruption lalo na sa aspektong pangkabuhayan at panlipunan ng isang bansa.
1. Kahirapan
Kahit sino ay biktima ng kahirapan, wala nang sinisino kahit ang mayayaman pa. Kaya, doble ang pagkayod nila para sa kanilang ikabubuhay. Paano na ang mahihirap? Lalo naman silang naghihirap. Malaki ang suliranin sa kawalan ng tirahan, gutom, at iba pang pangunahing pangangailangan. Naisasakripisyo rin ang edukasyon at kalusugan.
2. Atrasadong Pag-unlad ng Bansa
Mabagal ang pag-unlad ng Pilipinas dahil
May kakulangan sa mga imprastruktura na sana ay makapagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Maiiwasan sana ang pagtatrabaho sa ibang bansa.
May kakulangan sa mahahalagang pasilidad sa mga pampublikong ospital kaya hindi matugunan ang malalang suliranin sa kalusugan.
May kakulangan sa sistema ng padaluyan ng tubig kaya laging may baha.
Masyadong mataas ang buwis na ipinapataw at binabayaran ng taumbayan.
3. Lalo pang Pananamantala
Habang ang taumbayan ay doble-kayod para lamang kumita nang mas malaki, doble rin ang pagsisikap ng mga matatakaw at tiwaling opisyal o politiko upang makulimbat ang pera ng taumbayan.
Bakit mahalaga makita ang pagpapatakbo sa lipunan bilang kapwa pananagutan ng pinuno o mamamayan?
Mahalaga na makita ang pagpapatakbo ng lipunan upang mabigyang solusyon ang problema ng bansa lalong lalo na ang Graft and corruption. Ang pagkalubog ng isang lipunan ay isang pananagutan ng pinuno o mamamayan dahil sa kanilang kapabayaan.
SOLUSYON PARA MALUTAS ANG GRAFT AND CORRUPTION
- Taunang pagtataya ng BIR sa lahat ng opisyal ng pamahalaan at
- Nasa panahong pampamahalaang pagtutuos sa pamamagitan ng COA o ng isang hiwalay na tagapagtuos.
3. Paglalagay ng mga accomplishment report at liquidation report sa mga transparency board sa bawat lugar upang maging bukas sa publiko ang mga proyektong nagawa ng mga nagsisilbi sa pulitiko.
4. Dapat din na ang mamamayan ay humingi ng report sa mga naglilingkod sa pamahalaan kung ano-ano na ba ang nangyayari sa pagpapatakbo nila sa lipunan.
Ang Tagumpay ng lipunan ay nakabase sa kung ano ang pinuno na mayroon siya o kung anong mamamayan ang nakatira dito.
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa pagpapatakbo ng lipunan:
brainly.ph/question/191265
brainly.ph/question/1720067
brainly.ph/question/696286