Answer:
Ang Pacific Ring of Fire ay isang bahagi ng mundo na matatagpuan sa Karagatang Pasipiko kung saan mayroong halos 452 na bulkan at nagdudulot ng mga pagyanig sa lupa at sa ilalim ng karagatan. Ang Pacific Ring of Fire ay may sukat na 40,000 kilometro.
Ang bilang ng mga aktibong bulkan sa bahagi ng mundong ito ang nagbibigay dahilan kung bakit madalas ang pagyanig o paglindol sa mga bansang napaliligiran ng Ring of Fire. Tinatayang mahigit 90% ng mga lindol ay nagmumula sa bahagi ng mundong ito at 15% ng mga pinakamalakas na lindol na naitala sa kasaysayan at nagmumula dito. Ang ring of Fire ay bunga ng paggalaw ng mga tectonic plates na patuloy na nagbabanggaan at nagdudulot ng mga pagyanig at pagsabog ng mga bulkan.
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:
Paglalarawan sa Pacific Ring of Fire
https://brainly.ph/question/681587
Bakit may Pacific Ring of Fire
https://brainly.ph/question/188294
Bansang kasama sa Pacific Ring of Fire
https://brainly.ph/question/677121