Sagot :
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ito ang kadalasang sinasabi ng mga matatanda sa ating mga kabataan sa ngayon. Ngunit mas maganda sana na "ang mga huwarang kabataan ang pag-asa ng bayan". Hindi natin maikaikaila na marami sa ating mga kabataan ngayon ay medyo hindi nabigyang pansin ng pamahalaan at pakalat-kalat sa mga kalye. Paano ang pag-asa ng bayan kung sila mismo ay makakita ng pag-asa sa sarili nila?
Ang mga huwarang kabataan ay hindi lamang makikita sa mga marka mula sa paaralan kundi sa maayos na pakikitungo din ng ibang kabataan. Ang pagiging huwaran sa mata ng iba pang kabataan ay isang malinaw na kaugalian ng isang huwarang bata. Maipapakita ito sa pamamagitan ng pagsisilbing modelo sa mga mas malilit pa na bata. Hindi kailangan ang iba't iibang medalya para lamang tawaging huwaran ang isang bata, ang kanyang pag-uugali at pakikisama ay isang malinaw na indikasyon. Kung ang kabataan ang pag-asa ng bayan, nararapat lamang na sila ay gawing huwaran.