Ang tamang pagtukoy ng lokasyon ng isang bansa ay sa pamamagitan ng mga imahinasyong mga linya kagaya ng longitude at latitude. Masusukat rin ang lokasyon nito sa pamamagitan ng paggamit ng sistemang grid. Ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas ay 12.8797° mula sa Hilaga at 121.7740° mula Silangan.
Ang relatibong pagtukoy ng lokasyon ay matutukoy sa pamamagitan ng mga nakapaligid na hangganan ng katubigan at kalupaan. Mayroong dalawang uri ng pagtukoy ng relatibong lokasyon, ito ay ang mga sumusunod:
Kung ang pagbabasihan ay ang insular, mayroong apat na pangunahing anyong tubig na nakapalibot sa Pilipinas. Ito ay ang Karagatang Pasipiko sa Silangan, Dagat Celebes sa Timog, West Philippines Sea o Dagat Tsina sa Kanluran at Bashi Channel sa Hilagang bahagi.
Kung ang pagbabasihan ay Basinal sa pag-alam ng lokasyon ng Pilipinas, mayroon itong apat na bansang nakapalibot rito. Taiwan sa bahaging Hilaga, Guam sa Kanluran, Malaysia at Indonesia sa ibabang bahagi o timog, at Vietnam naman sa kanluran.
#BetterWithBrainly
Karagdagang impormasyon:
https://brainly.ph/question/136349
https://brainly.ph/question/1570315