buod ng kung bakit nasa ilalim ang ginto

Sagot :

"Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto"

Ang buod:

May isang nayon sa Baguio na tinatawag na Suyuk. Sa Suyuk naninirahan ang mga tao na pinamumunuan ni Kun to. Si Kun to ay ang napili ng mga nakatatanda kahit na bata pa siya dahil siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon.

Ang mga mamamayan sa nayon ay namumuhay nang tahimik, maibigin sa kapwa, at may paniniwala sa kanilang bathala. Kaya naman taon-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang parangal sa kanilang bathala. Naghahanda sila linggo-linggo sa tuwing nagdaraos sila ng cañao.  

Isang araw, ang pinuno ay nagpunta sa gubat.  Doon ay nakita niya ang kakaibang uwak. Bumalik siya sa nayon at kinuwento sa mga nakatatanda ang mga nangyari. Ang sabi ng isa kay Kun to ay maaaring ang ibon ay sugo ni bathala at nagpapaalala na dapat sila ay magdaos ng cañao.  Nagpasiya si Kun to na agad idaos ang pista.  

Ipinaalam sa lahat ang pasiya ni Kun to at kumilos ang lahat ng mamamayan upang ipagdiwang ang pista sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae ay ang naghanda ng masasarap na pagkain. Ang mga lalaki naman ay ang itinalaga sa baboy na iaalay sa kanilang bathala.

Nang maiayos ang baboy sa altar ay nanlaki ang mga mata nila dahil napalitan ito ng isang matandang lalaki.  

Dahil sa kabutihan ng mga mamamayan at may loob sa kanilang bathala, gagantimpalaan sila ng matanda ngunit kailangan nila sundin ang bilin ng matanda.  

Pinakuha ng matanda ang mga mamamayan ng isang tasang kanin at inilagay ito sa kanyang tabi. Pagkatapos ay nagpatakip ng isang malaking palayok. Sinabi pa niya na ipagpatuloy ng mga mamamayan ang kanilang pista at pagkalipas ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na iyon. Bilin rin ng matanda na may makikitang silang isang punongkahoy na ang bunga, dahon, at sanga ay maaari nilang kunin ngunit ang katawan ay huwag nilang gagalawin.  

Ang ipinagbilin ng matanda ay tinupad naman ng mga tao. Pagkatapos ng pista at pagkatapos ng tatlong araw ay bumalik sila sa pook na iyon. Ang palayok ay itinaas nila at nakita ang isang maliit na punongkahoy.  

Tuwang-tuwa ang mga tao.  

Yumaman ang mga taga-Suyuk.  

Dahil dito nagbago ang mga mamamayan ng Suyuk. Wala na ang dati nilang pamumuhay ng tahimik at wala na ang pagiging maibigin sa kapwa. Samantala, ang punongkahoy ay patuloy sa pagtaas hanggang sa di na maabot ng tingin ng mga tao ang tuktok nito.  

Dahil sa taas nito at hindi na kayang abutin ang mga bunga o dahon ng punong-ginto, sinabi ng isang mamamayan na paghati-hatian nila ang puno. Sumang-ayon ang lahat. Nang malapit nang mabuwal ang punongkahoy ay kumulog at kumidlat. Nayanig ang lupa at nilulon ng lupa ang punongkahoy.  

Narinig nalang ng mga tao ang isang tinig na nagsabi na binigyan sila ng gantimpala na punong-ginto dahil sa kanilang kabutihan. Pagpapatuloy pa nito ay para sana maging masagana ang pamumuhay ng mga tao ngunit imbes na mas mapabuti ay kabaligtaran ang nangyari. Dahil sa hindi nila pagsunod sa bilin,nawala na ng tuluyan ang punong-ginto.  

Kaya naman ang mga ginto ay nakukuha lamang sa ilalim ng lupa.  

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa buod ng "Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto", maaaring pumunta sa link na ito:  https://brainly.ph/question/679110

Kahulugan ng Buod

  1. Ang buod ay mas maikli kaysa sa orihinal at naglalaman ng mga kabuuang kaisipan ng pinagkunang materyal.
  2. Ang buod ay ang mga pinagsama-samang mga mahahalaga at pangunahing ideya gamit ang sariling pangungusap.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng buod, maaaring pumunta sa link na ito:  https://brainly.ph/question/132408

Kahulugan ng Alamat at ang Bahagi nito

Ang "Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto" ay isang alamat mula sa Baguio.

Ang kahulugan ng alamat ay:

  • isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig
  • minsan nagsasalaysay ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook
  • tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian, o kapaligiran
  • kadalasang kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno

Mga Bahagi ng Alamat:

  1. Simula - inilalarawan ang mga tauhan sa kwento
  2. Gitna - saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan ng kwento
  3. Wakas - katapusan ng kwento

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng alamat at ang bahagi nito, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/163275