Ano ang kwentong makabanghay



Sagot :

Answer:

Ano ang kwentong makabanghay?

Ang kwentong makabanghay ay isang uri ng maikling kwento na kung saan ay may maayos na pgkasunod sunod nang pangyayari (simula, gitna, wakas) mahalaga din sa uri ng kwentong ito ang pagkakabuo ng pangyayari.  

Explanation:

Mahalaga sa kwentong makabanghay ang mga sumusunod:

  • Simula - ito ay binubuo ng tauhan ng kwento, tagpuan at suliranin.
  • Gitna -  ito ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian ng mga karakter, at kasukdulan.
  • Wakas - ito ay binubuo ng kakalasan at katapusan ng kwento.

Ilan sa mga halimbawa ng kwetong makabanghay:

  • Kwento ng mga katutubo - ito ay ukol sa kapaligiran, pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at kultura ng isang pook.
  • Kwento ng pakikpagsapalaran - ito ay madalas ukol sa mga pinagdaanan ng tauhan at kung papaano nya nilutas ang suliranin.
  • Kwento ng kababalaghan - ito ay ang mga kwento kung saan naghahatid ng takot o pangamba sa mga taong makakabasa.
  • Kwento ng tauhan - ito ay ang mga pangyayari sa buhay o pinagdaanan ng mga karakter sa kwento.
  • Kwento ng katatawanan - ito ay uri ng kwento na kung saan nagbibigay ng kasiyahan sa mga mambabasa.
  • Kwento ng pag-ibig - ito ay kwento tungkol sa pagmamahalan ng dalawang karakter sa isang kwento.
  • Kwento ng kapaligiran - ito ay ang kwento na kung saan ng papakita o naglalahad ng kwento tungkol sa paligid at pati narin sa mga hayop na naninirahan dito.

Mga halimbawa ng kwentong makabanghay:

  • Ang Kalupi
  • Ang Dalaginding
  • Walang Panginoon
  • Pingkaw
  • Keso at Morito

Para sa dagdag kaalaman tungkol sa kwentong makabanghay, maaring bisitahin ang mga sumusunod na link:

  • https://brainly.ph/question/118626
  • https://brainly.ph/question/1505235

#BetterWithBrainly