Sagot :
Matiwasay na Lipunan
Ang matiwasay na lipunan ay tumutukoy sa isang masaganang lugar o pamayanan kung saan tahimik at mababa ang insidente ng mga krimen. Ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at matatag at tapat na pamahalaan. Ito rin ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at pagtingin sa estado ng mga mayaman at mga mahihirap at maging ang pagkakaroon ng mababang antas ng mga mahihirap. At higit sa lahat ang pagkakaroon ng masaganang ugnayan at pamamalakad ng mga sektor nito sa ibat-ibang larangan at programa na nagpapabuti sa edukasyon, seguridad, transportasyon, komersyo at marami pang iba.
Ito ang Larawan ng Matiwasay na Lipunan
1. Kabutihan para sa bawat indibidwal na kasapi ng lipunan ang laging iniisip ng bawat isa sa lipunan.
2. Ang tunguhin ng mga grupo, organisasyon at ahensya ng gobyerno ay hindi ang kabutihan para lamang sa isa o iilang komunidad kundi ang kabutihan ng buong lipunan.
3. Hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nananaig kundi ang panlipunan at sibil na pagkakapatiran na palaging nangangailangan ng katarungan.
4. Ang paggalang sa indibidwal na tao ay hindi nawawala sa sistema ng bawat isa sa lipunan.
5. Alam ng lahat na hadlang sa pagkamit ng isang matiwasay na lipunan ang pakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat.
Para sa Iba pang impormasyon maari rin magpunta sa;
• Matiwasay na Lipunan https://brainly.ph/question/22438
• Resipe ng Matiwasay na Lipunan https://brainly.ph/question/332024
• Hindi matiwasay na Lipunan https://brainly.ph/question/308102