magagandang bagayna nararanasan sa isang bansang tropikal


Sagot :

Answer:

Magagandang bagay na nararanasan sa isang bansang tropikal

Klimang Tropikal

Ayon sa Siyensya, ang klima ay tumutukoy sa kalagayan ng panahon sa isang lugar na tumatagal sa loob ng isang tiyak na panahon. Ang ating heograpikal na lokasyon ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng pagkakaiba sa bawat klima ng bansa. Ang Klimang Tropikal ay isang uri ng klima na matatagpuan sa mga bansang malapit sa equator.

Bukod sa klimang Tropical, marami pang ibang uri ng klima. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Dry o Tuyo
  • Polar and Tundra Walang panahong tuyo
  • Mediterranean Hindi tiyak ang panahon
  • Tropikal o Halos pantay na distribusyon ng ulan at tagtuyo

Para sa karagdagan kaalaman ukol sa klase ng klima

https://brainly.ph/question/578637

Ang isang bansang tropikal ay nakararanas ng mga sumusunod na magagandang bagay

  1. Mayamang kagubatan
  2. Mayamang kapaligiran
  3. Sagana sa yamang likas
  4. Matatabang lupain
  5. Mayaman sa pananim

Mayamang kagubatan

May mga uri o klase ng puno na nabubuhay o lumalaki lamang sa isang tropikal na klima. Hal: Tropical Palm Trees,Tropical needle palm, Chinese windmill palm

Mayamang kapaligiran

Kung may mga puno na nabubuhay lamang sa isang tropikal na klima, may mga hayop at bulaklak din na makikita lamang sa isang tropikal na klima

Sagana sa yamang likas

Matatagpuan ang napakaraming yamang tubig at yamang lupa sa isang tropikal na klima. May mga isda rin at corals na makikita lamang sa mga bansa na may tropikal na klima

Matatabang lupain

Dahil angkop ang temperatura ng bansang tropikal, sadyang tumataba ang mga lupa dahil nakakakuha sila ng sapat na nutrisyon mula sa napakayamang kapaligiran at direktang sinag ng araw.  

Mayaman sa pananim

Dahil mayroong matatabang lupain na matatagpuan sa isang tropikal na klima, may iba't ibang klase ng pananim ang maaaring itanim ng mga tao dito. Agrikultura ang isa sa mga pangunahing pinagkukunang yaman ng mga tao sa isang tropikal na bansa.

Para sa listahan ng mga bansang may klimang tropikal

https://brainly.ph/question/164480

Para sa listahan ng mga bansang may klimang tropikal na kanser at kaprikorn

https://brainly.ph/question/1677064

Pilipinas bilang Tropikal na bansa

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa equator kung kaya't ito ay may isang tropikal na klima. Sa loob ng isang taon, nakararanas tayo ng dalawang pangunahing uri ng panahon: tag-ulan at tagtuyo. Tayo rin ay madalas nakararanas ng mga bagyo kumpara sa ibang bansa. Dahil dito, malimit tayong nakararanas ng pagbaha. Gayunpaman, ang Pilipinas ay isang napakayamang bansa. Sa katunayan, ito ay tinaguriang Biodiversity Rich country dahil sa dami ng bilang ng mga hayop, halaman, at iba pa na sa Pilipinas lamang matatagpuan.

Ang mga natural na yaman na matatagpuan sa ating bansa ay nagsilbing atraksyon at pangunahing pinagkakakitaan ng mga Pilipino. Ang turismo ay isa sa nakapagbibigay ng malaking halaga ng buwis sa atin. Bukod dito, agrikultura rin ang isa sa mga pinagkakakitaan ng mga Pilipino. Ayon sa mga pag-aaral, ang Pilipinas ang may pinakamalaking bilang ng ibon na matatagpuan lamang sa ating bansa.

Mayroong ang Pilipinas na:

  • 612 bird species, 194 sa bilang ang dito lamang makikita sa ating bansa.
  • 111 amphibian at 270 reptile species
  • 330 freshwater fish species
  • 14000 insect species  na  dito lamang makikita sa ating bansa.
  • 9250 plant species na  dito lamang makikita sa ating bansa.

Ang ilan sa mga halaman, puno, hayop, at isda na sa Pilipinas lamang matatagpuan ay ang mga sumusunod:

  • Philippine eagle
  • Philippine freshwater crocodile
  • Tamaraw
  • Philippine tarsier
  • Rafflesia