Sagot :
Narito ang Ilang Halimbawa ng mga Sawikain.
- Amoy Tsiko.
- Anak Pawis
- Asal Hayop
- Bantay Salakay
- Bilang na ang Araw
- Butas ang Bulsa
- Di-Makabasag Pinggan
- Di-Malaglagan ng Karayom
- Halang ang Kaluluwa
- Isang Kahig, Isang Tuka.
Narito ang kanilang Mga Kahulugan at Mga Halimbawa Ayon sa Pagkakasunud-sunod.
- Ang kahulugan: Lasing, nakainom o lango sa alak. Halimbawa: Umuwi na naman ang asawa mo na amoy tsiko kagabi.
- Ang kahulugan: Mga manggagawa, o pangkaraniwang mga tao. Halimbawa: Ipinaglalaban ng mga anak-pawis ang kanilang mga karapatan sa lipunan.
- Ang kahulugan: Masama ang ugali, mabangis. Halimbawa: Edukadong tao nga, asal hayop naman.
- Ang kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan. Halimbawa: Akala mo mabait na tao talaga, yun pala bantay salakay din pala.
- Ang kahulugan: Ilang araw na lamang ang ibubuhay, o ilang araw na lang ang nalalabi, o ilalagi. Halimbawa: Bilang na ang araw mo, kaya magpakasaya kana at gawin ang lahat ng gusto mo.
- Ang kahulugan: Walang pera, o salapi. Halimbawa: Butas ang bulsa ko ngayon, sa susunod niyo nalang ako isama sa galaan ninyo.
- Ang kahulugan: Mahinhin kumilos, hindi magaslaw. Halimbawa: Di-makabasag pinggan ang mga kilos ng aking sinisinta, kung kaya’t nagustuhan ko siya noon.
- Ang kahulugan: Madaming tao. Halimbawa: Di-malaglagan ng karayom ang Quiapo noong pista sa dami ng tao.
- Ang kahulugan: Sobrang sama. Halimbawa: Halang ang kaluluwa ng gumawa ng karumal-dumal na krimen na yan.
- Ang kahulugan: Mahirap ang Pamumuhay. Halimbawa: Ang pamilya nila Isko ay nabubuhay na lamang sa isang kahig isang tuka na pamumuhay araw-araw.
Para sa karagdagan pang mga Halimbawa ng Sawikain, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/134836
https://brainly.ph/question/553843
Ano ang Sawikain?
Sa ingles ito ay idiomatic expression. Ang sawikain ay mga salita o maiiksing pangungusap na hindi tuwirang nagbibigay ng kahulugan o paglalarawan may kaugnayan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari. Maaaring tumukoy ito sa Idyoma, Moto, at Salawikain. Ang Idyoma ay isang pagpapahayag o mg pananalita na ang kahulugan ay hindi komposisyonal, ibig sabihin hindi ito binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga salita na bumubuo. Ang moto, ay paritrala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Ang salawikain naman ay mga kasabihan o kawikaan.
Nagbibigay ito ng aral at kadalasan nang nagpapahiwatig ng sentimiento. Malalim ang mga salita sa sawikain at pinapalitan ng pangkaraniwang tawag kung kaya ito ay nagiging isang pahayag na matalinghaga.
Para sa karagdagang pang impormasyon may kaugnayan sa Sawikain, pakisuyong i-click ang link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/582258