Kuwento ng Butil ng Kape
Ang mensahe ng kuwento tungkol sa Butil ng Kape ay kung paano mo haharapin ang mga pagsubok sa buhay. Ipinapaliwanag dito ang iba't ibang paraan ng pagtugon sa mga suliranin tulad ng mga sumusunod:
- carrots na pinakuluan at lumambot
- ang itlog na tumigas
- ang butil ng kape na nagkaroon ng ibang bango at saysay.
Ang mga Proseso at Mga Mensahe Nito
- Maihahalintulad ito sa isang tao na sinubok ngunit sa simula lang malakas at kalaunan ay naging mahina at sumuko.
- Ang itlog naman ay mula sa mistulang malinis at malambot na balat nito ay biglang tumigas pagkatapos mapakuluan parang yung ibang tao na sa una sa mabubuti ngunit pagkatapos subukin ay nagiging matigas ang mga puso para sa pagpapatawad.
- Samantalang, ang isang butil ng kape na pinakuluan na nagkaroon ng ibang lasa at amoy at parang ang taong iniharap mo sa maraming problema ngunit sa halip na maging mahina o kaya'y matigas ay nagbago at nagkaroon ito ng karagdagang gamit o sangkap at mas natututo ito sa pagsubok na naranasan, mas nagiging mabuti kompara sa una. Ganyan ang naging kwento ng butil ng kape.
Basahin ang buod ng parabula Butil ng Kape sa https://brainly.ph/question/159880.
Suriin ang sarili sa parebula Butil ng Kape. Basahin sa https://brainly.ph/question/199221.
Iba pang pagpapakahulugan ng parabula Butil ng Kape: https://brainly.ph/question/168372.