anong masasabi niyo sa "Sino man ang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay kailangan ang kanyang mga mata ay may matibay na tuon."

Sagot :

Kung may sapat at tama kang paninindigan sa bayan o publiko sa panahon ngayon ikaw pa ang masama. Ikaw ang binabatikos ng karamihan. Ikaw ang sapilitang nilulugmok para hindi maituwid ang mga balikong gawi ng tao. Ikaw ang nalalagay sa alanganin.
ang ibig sabihin ng "sinuman ang kumilos nang may katwiran sa publiko o sa pribadong buhay, kailangan ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon" ay halimbawa kapag may gawain kang ginagawa mo sa publiko ay dapat mo ring gagawin ito sa pribado, kagaya ng nag papakita ka ng kabaitan sa publiko nag dadasal ka, tumutulong ka sa polotiko, hindi ka nagsisigarilyo sa publiko ngunit kabaliktaran ang ginagawa mo sa pribado, ang ginawang mong pagdasal sa maraming tao ay hindi mo ginagawa sa pribado, hindi ka naninigarilyo sa publiko ngunit sekreto mong ginagawa ito, dapat kung ano ang ginagawa mo sa publiko ang sya ring gagawin sa pribado. ang ibig sabihin naman ng kailangan ang kanyang mga mata ay may matibay na tuon ay, kahit walang nakakakita sa kanya kailangan parin nyang gawin ito hindi nagpapakitang tao lamang o namamagandang loob.