Ano po ang kahulugan ng HALIGI,BAHAGHARI,PARUSA,SAGISAG AT SIRA sa tagalog?

Sagot :

Ang kahulugan ng HALIGI, BAHAGHARI, PARUSA, SAGISAG, AT SIRA sa Tagalog:

Ang kahulugan ng haligi ay:

  • tukod, pilar, o poste  
  • patayong kalap, patayong metal, o patayong semento na nagsisilbing tukod sa isang estruktura  
  • ama o tatay na nagsisilbing pinuno ng pamilya

Ang kahulugan ng bahaghari sa Tagalog ay:

  • king's loincloth, bahag (loin cloth) + hari (king)
  • maaari ring isulat na bahag-hari
  • isang hating-bilog na arko na kakikitaan ng sari-saring kulay

Ang kahulugan ng parusa ay:

  • dusa
  • kastigo sa nagkasala
  • hatol ng pagpapahirap na ipinapataw sa mga nagkasala

Ang kahulugan ng sagisag ay:

  • hindi tunay na pangalan
  • simbolo
  • tanda
  • palatandaang kumakatawan sa isang kaisipan  

Ang kahulugan ng sira ay:

  • wasak
  • punit
  • tastas
  • lamat
  • basag
  • depekto
  • kapintasan
  • bulok
  • bilasa
  • halpok o gapok

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng HALIGI, BAHAGHARI, PARUSA, SAGISAG, AT SIRA sa Tagalog, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/143566

Listahan ng mga salitang Tagalog

  1. Dayo - tao na taga-ibang lugar o bansa
  2. Gala - lumakad nang walang layunin
  3. Hayo - salitang sinasabi kapag may pinapaalis o inuutusan
  4. Lakbay - pagtungo sa malayong pook
  5. Lagari - pabalik-balik
  6. Larga - alis
  7. Layas - kusang umalis
  8. Liwaliw - umalis para maglibang o magsaya
  9. Nakasaksi - nakakita
  10. Nasambit - nasabi
  11. Tunguhin - direksiyon ng isang gawain, moda, at iba pa

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa listahan ng mga salitang tagalog, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/986811

Malalalim na salitang Tagalog

  • Katigan - kampihan
  • Pangangamkam - pagkuha ng sapilitan
  • Pang-uuyam - panglalait
  • Masinsinan - seryosong pag-uusap
  • Pitagan - paggalang
  • Hinawan - nilinis
  • Tinalunton - sinundan
  • Mauulinigan - maririnig
  • Mangilak - manghingi
  • Marilag - maganda
  • Mataginting - napakatunog
  • Kaimbihan - kasamaan
  • Bantulot - alinlangan
  • Napakislot - gumalaw ng pabigla-bigla

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa malalalim na salitang Tagalog, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/2165078