anu ano ang mga istraktura ng daigdig .? 

Sagot :

Istruktura ng Daigdig (Katangiang pisikal ng Daigdig)

Ang Daigdig ay may diyametro sa bahaging ekwador o 0 degree latitude na humigit kumulang 12,762 kilometro.Ang diyametro nito mula sa hilaga hanggang timog polo ay 12,740 kilolmetro.May kabuuan itong 510 milyong kilometro kuwadrado.Ang ating daigdig ay nahahati sa apat na parte ito ay ang  Lithosphere,Hydrosphere,Atmosphere at Biosphere.

Lithosphere Ay ang kalupaan sa daigdig na nahahati sa tatlong bahagi,  

1.Crust Bahagi sa mundo kung saan makikita ang ibat ibang anyong lupa at anyong tubig,ito ang pinakamanipis na bahagi ng mundo na may sukat na hihigit sa 75 kilometro.

2.Mantle Ito naman ang sumunod na bahagi ng crust,binubuo ito ng makakapal na bato at may lalim na 2,890 kilometro.

3.Core Ito ay ang pinakaloob na bahagi ng daigdig.

Hydrosphere Ay ang bahaging tubig ng daigdig.tinatayang 2/3 ng daigdig o mahigit sa 70 percent nito ay tinatayang tubig.

Atmosphere Ay ang suson ng gas na nakapalibot sa daigdig.Binubuo ito ng ibat ibang gas tulad ng nitrogen,oxygen,carbon dioxide at iba pa.

Biosphere Ang biosphere ay ang bahagi ng daigdig kung saan nabubuhay ang mga tao ibat ibang hayop at halaman at iba pang mga nilalang.

Para sa iba pang impormasyon maari rin magpunta sa;

• Tatlong istraktura ng daigdig brainly.ph/question/808196

• Ano ang istraktura ng daigdig brainly.ph/question/20524

• Ilarawan ang istraktura ng daigdig brainly.ph/question/316996