Ang kakulangan o shortage ay nangyayari kapag hindi kasapatan ang mga produkto upang matugunan ang pangangailangan at pati na rin ang mga kagustuhan ng mga tao. Ito ay panandalian lamang 'di tulad ng kakapusan. Nakararanas ng kakulangan ang mga tao dahil sa kalamidad, pagtaas ng demand sa isang produkto, at ang pag hoarding ng mga tao.
Ang kakapusan o scarcity ay nangyayari kapag hindi na sapat ang mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang pangangailangan at pati na rin ang mga kagustuhan ng mga tao. 'Di tulad ng kakulangan, ang kakapusan ay pangmatagalan. Nakararanas ng kakapusan ang mga tao dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao, dahil non-renewable and ilan sa mga likas na yaman (tulad ng langis, at fossil fuels) at dahil walang konsepto ng pagtitipid. Kampante rin kasi ang karamihan sa atin na hindi mauubos ang mga likas na yaman pero dadating ang panahon kung saan onting onti nalang ang mga likas na yaman dahil nga wala tayong konsepto ng pagtitipid.
#CarryOnLearning