Sagot :
Alegorya ng Yungib:
Ang Alegorya ng Yungib ay sanaysay na isinulat ni Plato na tumatalakay sa edukasyon at katotohanan. Sa sanaysay na ito ginamit ni Plato ang tao sa yungib bilang representasyon ng kabuuan ng tao. ghinamit ni Plato ang sanaysay na ito upang ipaliwanag ang mahahalagang natutunan ng bilanggo mula sa pagtingin sa liwanag na nasa labas ng yungib.
Upang lubos na maunawaan ang Alegorya ng Yungib, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/127911
Mahahalagang Natutunan ng Bilanggo:
- Ang yungib ay tila kulungan at ang mga taong naroon ay nakakulong sa kamangmangan o kawalan ng kamalayan.
- Ang kanilang nakikita ay pawang kanilang mga anino.
- Upang makita ang katotohanan sa likod ng mga anino, kailangan niyang kumawala sa pagkakatali at lumabas mula sa yungib.
- Ang tunay na pag-iral ay nasa mundo ng mga ideya.
- Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan.
Inihalintulad ni Plato ang tao sa loob ng yungib sa mga taong walang edukasyon o pinag – aralan na mistulang bilanggo at walang ibang nakikita kundi ang anino lamang ng katotohanan. Kadalasan, ang mga taong walang edukasyon ay tulad ng tao sa loob ng yungib na nangangapa sa dilim at nakadepende lamang sa kung ano ang naaaninag nila sa labas. Kaya naman malaking bahagi ng kanilang nalalaman ay nakasalalay sa kung anong mga anino ang natatanaw nila sa labas. Limitado ang kanilang kaalaman sapagkat hindi sila makagawa ng paraan upang makalabas sa yungib at Makita ang kabuuan ng mundo sa labas ng yungib.
Sinabi ni Plato na ang mga imahe ay anino lamang ng katotohanan sapagkat ang katotohanan ay nasa labas ng yungib at sa oras na makalabas ang tao mula sa yungib ay may pagkakataon na siya na makita ang kabuuan ng mundo. Maaari na siyang magkaroon ng totoong karunungan sapagkat naniniwala si Plato na ang karunungan ay hindi lamang ang makita nag mga bagay – bagay sa labas ng yungib kundi ang maranasan ang mga ito upang maging makatotohanan at magkaroon ng matibay na batayan sa pamamagitan ng mga pansariling karanasan. Ang sinumang marunong ay hindi basta naniniwala sa sinasabi ng iba hanggang sa matuklasan nila sa kanilang sarili.
Naniniwala si Plato na upang makita ang katotohanan, kinakailangan ng tao sa yungib na kumawala at lumabas sa yungib. Sa oras na maranasan ng tao ang buhay sa labas ng yungib, magkakaroon siya ng pagtitimbang kung alin ang mas mabuti para sa kanya ang manatili sa loob ng yungib o mamuhay sa labas ng yungib. Sa pagtitimbang na ito gagamit siya ng ilang katwiran. Ang mga pangangatwiran ay mangangailangan ng mga patunay upang mas maging makabuluhan. Sa huli, pipiliin ng tao ang magbibigay sa kanya ng higit na importansya.
Sinabi din ni Plato na ang mga konsepto ng mga bagay ay nakapaloob na sa isip ng tao bago pa man siya isinilang sa mundo. Kaya lamang ang karunungan ay matatamo lamang ng mga taong may pagpupunyagi. Sa oras na matagpuan ng tao ang karunungan, magiging isa itong kapakinabangan sa kanya kung magagawa niya na kumilos ayon sa katwiran at manatili sa kagandahang asal. Gayon din, malaki ang papel na ginagampanan ng kapaligiran sa pagkatuto. Sapagkat sa labas ng yungib ay maraming iba pang mundo na makikita at mararanasan ang tao kaya mas malawak at mabilis ang proseso ng pagkatuto.
Upang lubos na makilala si Plato, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/152784
Upang lubos na maunawaan ang mga pananaw ni Plato, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/144430