gaano kahalaga ang pag unlad na naganap noong sinaunang panahon?

Sagot :

Napakahalaga ng pag-unlad noon hindi lang sa panahon nila kundi maging sa atin ngayon.  Ang pag-unlad na iyon kasi ang naging gabay sa pag-usbong ng teknolohiya.  Gumaan ang buhay ng mga mamamayan dahil sa abanteng pamamaraan sa medisina, transportation, komunikasyon at agrikultura.  Naging mabilis ang takbo ng buhay ng mga tao hanggang sa posible na ang globalisasyon ngayon sa ating panahon.  Ang pag-unlad ding iyon ang bumago sa kasaysayan sapagkat umusbong din ang paggawa ng kasamaan.  Kaya bagaman gumaan ang buhay, hindi naman ito gaanong gumanda dahil sa mga sakim na pagnanasa ng mga tao.  Nagiging mayabang din ang karamihan sa mga tao ngayon.  Sa katunayan, tinatawanan ng mga kabataan ngayon ang mga imbensyon noon.  Ang hindi nila alam, iyon ang nagpabago sa buhay natin ngayon.