ibigay ang kahulugan at halimbawa ng pang-abay na pamanahon at panlunan

Sagot :

Ang pang-abay na pamanahon ay nagtutukoy sa oras o panahon ng isang bagay. Ito ay sumasagot sa tanong na "kailan?".

Halimbawa:

Bukas ang kaarawan ko.

May pagsusulit kami sa Lunes.

Bibigyan ko ng regalo si Maria sa Disyembre.


Ang pang-abay na panlunan ay nagtutukoy sa pook o lugar kung saan ang isang kilos ay nangyari. Ito ay sumasagot sa tanong na "saan?"

Halimbawa:

Bibili ako ng maraming prutas sa palengke.

Doon ako matutulog sa bahay ng aking matalik na kaibigan.

Nagkita kami ni Ben sa parke.