Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng tekstong prosidyural para sa iyong sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig. Isulat ang sagot sa loob ng katapat na kahon. Limang (5) puntos sa bawat kahon.
Sarili
Pamilya
Komunidad
Bansa
Daigdig​


Sagot :

Answer:

PAKI BRAINLEST NAMAN PO

Kahalagahan sa...

Sarili

Sa pagbabasa ng tekstong prosidyural ng isang indibidwal ay natututo siya sa tamang pamamaraan ng paggawa ng isang bagay at nagkakamalay ang sarili sa kung ano ang gagawin sa hindi.

Pamilya

Sa pagbabasa ng tekstong prosidyural ng pamilya ay natututong magtulung-tulungan ang pamilya sa tamang paraan ng pagsasagawa ng mga bagay-bagay at nagkakaroon ng pagkakaisa.

Komunidad

Sa pagbabasa ng tekstong prosidyural ng komunidad, walang kaguluhang magaganap dahil maaaring iba-iba ang iisipin ng mamamayan sa pagsasagawa ng isang bagay. Ang kahalagahan ng tekstong prosidyural ay nakapag-uunlad ito ng iisang mithiing masundan ang nararapat na gawin tungo sa tagumpay.

Bansa

Hindi nagkakaroon ng pagkakagulo o madalas na gyera o digmaan sa tulong ng tekstong prosidyural kung saan ang mga tao ng bawat bansa ay nagkakaroon ng kaalaman at kamalayan sa ano dapat ang trato o gagawin sa tuwing nakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

Daigdig

Kahalagahan naman ng tekstong prosidyural sa daigdig ay nagpapausbong ito ng world peace dahil sa mga impormasyon dala ng tekstong ito. Walang maiiwang tao o lugar na hindi magkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung paano gawin ang bagay-bagay dahil ang mga tao ay nagbabahagian na ng tekstong prosidyur sa tulong ng internet o ng kapwang magpapaalam.

=================

Explanation:

PAKI BRAINLEST NAMAN PO