1. Uri ng bangko na kung saan ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinatanggap ay ipinauutang nila sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos sa kanilang negosyo. *
a.Commercial Banks
b.Rural Banks
c.Specialized Government Banks
d.Thrift Banks
2. Ang pinaka layunin ng bangkong ito ay upang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya. *
a.Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Phillipines
b.Development Bank of the Philippines
c.Bangko Sentral ng Pilipinas
d.Landbank of the Philippines
3. Ang layunin ng bangkong ito ay upang tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan. *
a.Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Phillipines
b.Bangko Sentral ng Pilipinas
c.Development Bank of the Philippines
d.Landbank of the Philippines
4. Layunin ng bangkong ito ang magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan. Tinutulungan din nito ang iba pang negosyante sa kanilang puhunan. *
a.Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Phillipines
b.Bangko Sentral ng Pilipinas
c.Development Bank of the Philippines
d.Landbank of the Philippines
5. Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan.
a.Commercial Banks
b.Rural Banks
c.Specialized Government Banks
d.Thrift Banks
6. Ito ang pinakamalaking bangko. Dala ng kanilang malaking kapital sila ay pinapayagang makapagbukas ng mga sangay saanmang panig ng kapuluan lalo na sa mga lugar na wala pang bangko. *
a.Commercial Banks
b.Rural Banks
c.Specialized Government Banks
d.Thrift Banks
7. Ito ay kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin. *
a.Kooperatiba
b.Pag-ibig Fund
c.Pawnshop
d.Pension Funds
8. Layunin na panatilihing matatag ang mga kompanyang nagseseguro ng buhay ng tao, kalusugan, mga ari-arian, kalikasan at iba pa. *
a.Bangko Sentral ng Pilipinas
b.Insurance Commission
c.Philippine Deposit Insurance Corporation
d.Securities and Exchange Commission
9. Dito nagpapatala o nagpaparehistro ang mga kompanya sa bansa. *
a.Bangko Sentral ng Pilipinas
b.Insurance Commission
c.Philippine Deposit Insurance Corporation
d.Securities and Exchange Commission
10. Ito ang pangunahing institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin at ng ating pananalapi. *