Sagot :
Answer:
MANUEL ROXAS:
1. Manuel A. Roxas Unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Hulyo 4, 1946 - Abril 15, 1948 “Ang kapakanan ng lahat ng tao ang ating pangunahing tungkulin. Hindi kailangan ang panginoon o alipin sa sistema ng ating kabuhayan”
2. Marami ang mga suliraning kinaharap ni Pang. Roxas bilang pangulo ng bansadulot ng epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Katulong niya sa kanyang pamamalakad ang kanyang pangalawang pangulong si Elpidio Quirino at ang kasapi ng kanyang gabinete…
3. Ilan sa mga suliraning kanyang kinaharap ay ang sumusunod: pag-aangat sa lugmok na ekonomiya ng bansa na sadyang naapektuhan ng digmaan pagpapanatili ng pambansang seguridad na nanganib sanhi ng pagkilos ng mga HUK pagbubuklod ng mga Pilipinong nahati dahil sa isyu ng kolaborasyon.
4. Mga Progarama at Patakaran upang masolusyunan ang problema hinggil sa ekonomiya ng bansa ay isinagawa niya ang mga sumusunod: pagsasaayos ng elektripikasyon, pagsasanay sa mga gawaing bokasyunal, pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang, paghikayat sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa bansa
5. Sa panahon din ng panunungkulan ni Roxas ay binigyan ng pansin ang pagpapalaki ng produksiyong magpapaunlad ng industriya at pagsasaka. Maraming korporasyon o samahang itinatag upang mangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka gaya ng mga sumusunod.
6. NARIC- National Rice and Corn Corporation NACOCO- National Coconut Corporation NAFCO- National Abaca and other Fibers Corporation Bukod sa mga korporasyon o samahang tumulong sa mga magsasaka ay binuo rin ni Roxas ang Rehabilitation Finance Corporation (RFC) upang tulungan ang mga tao at mga pribadong kompanyang makapagsimulang muli at makapagpanibagong-buhay pagkatapos ng digmaan.
7. Sistema ng Pangasiwaan ni Roxas sa ilalim ng pangasiwaan ni Roxas ay mahigpit niyang ipinatupad ang patakarang Pro-American at Anti-Communist. Sa kanyang termino ay naging matibay nag pakikipagkasundo ng Pilipinas sa Amerika ukol sa sumusunod:
8. 1. pagpapanatili ng mabuting relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas 2. pagtatayo ng mga base militar ng mga Amerikano. 3. pagtiyak sa alalay na tulong ng Estados Unidos sa bansa sa panahon ng digmaan. 4. pagpapatibay ng PARITY RIGHTS.
9. ano ang PARITY RIGHTS? kahilingan ng Estados Unidos na mabigyan ang mga Amerikano na mabigyan sila ng pantay na karapatan tulad ng mga Pilipino sa paglinang at paggamit ng likas na yaman ng bansa. *subalit ang panunungkulan ni Roxas ay madaling nagwakas. Noong Abril 15, 1948 sa Clark Airbase, Angeles City, matapos siyang magtalumpati, inatake siya sa puso na naging daahilan ng kanyang pagkamatay. Humalili sa kanya bilang pangulo si Pangalawang Pangulong Elpidio Quirino.
10. ano ang PARITY RIGHTS? kahilingan ng Estados Unidos na mabigyan ang mga Amerikano na mabigyan sila ng pantay na karapatan tulad ng mga Pilipino sa paglinang at paggamit ng likas na yaman ng bansa. *subalit ang panunungkulan ni Roxas ay madaling nagwakas. Noong Abril 15, 1948 sa Clark Airbase, Angeles City, matapos siyang magtalumpati, inatake siya sa puso na naging daahilan ng kanyang pagkamatay. Humalili sa kanya bilang pangulo si Pangalawang Pangulong Elpidio Quirino
ELPIDIO QUIRINO:
Nang umupo bilang ika-anim na pangulo si Elpidio Quirino ang bansa ay nasa kritikal na kalagayan sa kabuhayan, pulitika at lipunan. Narito ang mga naging suliranin ng dating pangulong Elpidio Quirino:
1. Pagsugpo sa banta ng komunista sa bansa.
2. Pagbabalik ng tiwala ng taong bayan sa kakayahan at katapatan ng pamahalaang nawala dahil sa malawakang kabulukan at katiwalian noong panahon ni Roxas.
3. Pagpigil sa ginagawang panliligalig ng mga kasapi ng Huk.
4. Pag-angat ng kabuhayan ng bansa.
Mga nagawa ni Elpidio Quirino bilang isang Pangulo
1. Itinatag niya ang PACSA (Presidential ActionCommittee on Social Amelioration) upang matulungan ang mahihirap at mga nangangailangan.
2. Pinagtibay ng pamahalaan ang batas sa pinakamababang sahod na nagtatakda sa mga manggagawa, guro at iba pang kawani ng pamahalaan.
3. Itinatag din noong ika-3 ng Enero 1949 ang Central Bank of the Philippines upang maging matatag ang pananalapi.
4. Itinatag ang ACCFA (Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration ) upang tumulong sa magsasaka na maipagbili ang kanilang mga produkto.
5. Paglagda ng kasunduang Quirino – Foster na naglalayong isulong ang pagtutulungan ng Pilipinas at Amerika sa pagpapaunlad ng bansa.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito:Mga batas ni elpidio quirino:brainly.ph/question/97721
Explanation:
pa brainlies answer po
tnx