Ano ang mga lumang kaugalian na kailangan ninyong ituloy at itigil para sa pag-iimpok ng buong pamilya,


Sagot :

Mga Kaugaliang kailangan ituloy at itigil para sa pag-iimpok ng buong Pamilya

Ang pag-iimpok ay isa sa mga kaugaliang nararapat natin gawin sa ating buhay upang tayo ay magkaroon ng sapat na ipon sa pamilya. Dahil dito, may mga kaugalian tayong nararapat na itigil para sa pag-iimpok ng buong pamilya habang may mga kaugalian rin tayong nararapat ituloy para rito.

Isa sa mga kaugaling nararapat na ituloy para sa pag-iimpok ng pamilya ay ang nakasanayang paggamit ng alkansya. Ang paggamit ng alkansya ay malaking tulong sa ating pagtatabi ng pera dahil sa hindi natin nagagalaw ang pera at naihihiwalay ito mula sa mga perang ating nagagastos. Dahil dito, naiipon ang mga perang ating naitatabi hanggang sa ito ay maging isang malaking halaga.

Isa naman sa mga kaugaliang nararapat itigil para sa pag-iimpok ng pamilya ay ang paggastos sa mga bagay na hindi naman kailangan. Nararapat nating gamitin ang ating mga pera sa ating mga pangunahing pangangailangan at isantabi ang ating mga luho. Mas mainam na gastusin lamang natin ang ating pera sa mga mahahalagang bagay upang tayo ay makatabi. Bukod rito, isa rin sa mga kaugaliang nararpat na itigil para sa pag-iimpok ay ang bisyo.

Maari ring basahin ang mga sumusunod:

Konsepto ng pag-iimpok https://brainly.ph/question/2524199

Slogan sa pag-iimpok https://brainly.ph/question/2497057

#LetsStudy