Answer:
MASAMANG EPEKTO NG ENDO SA PANIG NG EMPLOYER INILATAG NG DOLE BICOL
SORSOGON CITY - Ipinaliwanag ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ang mga dahilan kung bakit dapat nang wakasan ang endo sa mga empleyado.
Ayon kay Raymond Escalante isa sa nang papahirap sa mga employer ay ang halos taon-taon na pagkuha ng empleyado at pagsasagawa ng mga training.
Aniya magmula sa mga nasasayang na oras sa pag interview, medical examination at pabago bagong kontrata dito na nagkakaroon ng problema ang maraming Human Resources (HR).
Dagdag pa ni Escalante hindi rin tuloy tuloy ang dekalidad na serbisyo sa isang kompanya dahil sa endo kung saan paulit ulit rin ang pagsasanay ng bagong empleyado kaya laging nag uumpisa sa wala ang isang uri ng trabaho na iniiwan matapos ang lima hanggang anim na buwan na kontrata.
Ito aniya ang hindi napapansin ng maraming employer na dapat nang matuldukan upang lumago ang kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng mga beteranong empleyado.
Umaasa naman ang opisyal na sa mga susunod na buwan ay tuluyan nang aalisin ng lahat ng employer sa buong rehiyon ang naturang proseso ng pagtrato sa mga empleyado. -
Explanation: