Panuto: Isulat ang A kung ito ay stiliraning hinarap ni Manuel A Roxas sa kanyang panunungkulan , B - Elpidio Quirino, C - Ramon Magsaysay, D - Carlos Garcia
1. Kahirapan at rehabilitasyon ng bansa pagkaraan ng digmaan. 2. Ang suliranin sa kahirapan ay nadagdagan ng suliranin sa katiwalian sa pamahalaan. 3. Paglutas sa pagtuloy na ligalig at pag-aaklas sa kabukiran bunga ng di-pantay na pamamahagi ng kayamanan. 4. Mga dayuhan ang labis na nakikinabang at naghahari sa pangangalakal sa Pilipinas. 5. Kawalan ng katiwasayan dahil sa pagtaas ng kriminalidad at pagbaba ng moralidad ng mga tao. 6. Nagpatuloy rin ang suliraning pangkapayapaan dahil sa mga Huk o HUKBALAHAP. 7. Ang kabuhayan ng mga maliliit na negosyante Pilipino na hindi nabibigyang pansin ng pamahalaan. 8. Ang pagkahilig sa luho ng mga mamamayan at ang labis na paggamit ng pondo ng bayan sa mga proyekto o programang hindi prayoridad ng pamahalaan. 9. Ang mga kaguluhan at laganap na katiwalian sa pamahalaan. Ang patuloyat talamak ng korapsyon lalo sa hanay ng mga kawani sa gobyerno. 10. Mabilis ang paglaganap ng komunismo o ang impluwensiya nito buhat sa Tsina, Rusya at Korea na naging malaking banta sa kaligtasan at katahimikan ng bansa. .