Answer:
Ang mga unang nanirahan sa Pilipinas ay ang tinaguriang Callao Man, na nabuhay mahigit 60,000 taon na ang nakalipas, at ang Tabon Man, na nanirahan dito 16,500 taon na ang nakalipas.
Explanation:
Ang klasikong paniniwala na Negrito ang mga unang nanirahan sa Pilipinas ay bunga ng pag-aaral na isinagawa ni H. Otley Beyer noong ika-20 siglo. Ayon sa kanyang teorya, naunang pumunta sa Pilipinas ang mga Negrito gamit ang mga lupang tulay. Sinundan sila ng mga Indones, at ang panghuli ay ang mga Malay.
Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng mga panibagong pag-aaral, at natuklasan ang mas matatandang labi ng Tabon Man at Callao Man na siyang nagbago sa kasaysayan ng Pilipinas.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/5942910
#BrainlyEveryday