Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong natutuhan sa paksang tinalakay. Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang sumusunod. Isulat kung ito ay simula, gitna, o wakas. ____________1. Dito pa lamang ay mapupukaw na agad ang interes ng mambabasa. ____________2. Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa isinasalaysay. ____________3. Sa bahaging ito ay kailangang mapanatili ang kawing-kawing na pangyayari at paglalarawang nasimulan. ____________4. Dito nakapaloob ang mahahalagang mensaheng magpapabuti o magpapabago sa kalooban at isipan ng mambabasa. ____________5. Maaring konklusyon ang bahaging ito ng sulatin.