Ang Palalong Loro at si Askal Magkaiba ang karanasan nina Loro at Askal. Si Loro ay alagang-alaga ng kaniyang amo. Inaayusan at pinakakain siya ng amo. Maraming natutuwa sa kaniya at ibig humawak sa kabila ng palalo niyang bibig. Si Askal ay walang nagpapaligo kaya galisin. Wala siyang amo kaya siya ay palaboy sa lansangan. Siya ay madalas sinisipa at pinandidirihan ng mga tao kaya lalong naging kawawa. Minsan, namasyal ang mag-amo. Nakita niya si Askal. "Ew! Kadiri! Maligo ka nga! Ang baho mo!" sigaw ni Loro kay Askal. Siniraan pa niya si Askal sa ibang mga hayop na nagdaraan. Hindi siya pinansin ni Askal. Bagkus, tuloy lamang ito sa pagkakalkal ng basura dahil sa gutom. Isang araw, nakita ng pusa si Loro at gustong kagatin. Tinangkang lumaban ni Loro sa pusa ngunit mas malaki ito sa kaniya. Sinakmal siya ng pusa at iwinasiwas sa kalye. "Aray ko! Masisira ang maganda kong balahibo!" sigaw ni Loro. Mula sa isang dako ay biglang sumaklolo si Askal kay Loro. "Aray ko! Kawawa naman ang balahibo ko. Salamat sa'yo, mabantot at galising aso," wika ni Loro. sabay alis. "Nagpasalamat nga, nanlait naman!" naiinis na wika ni Bumalik ang galit na galit na pusa. Kinagat niya muli si Loro sa leeg, katawan, at sa buntot. Wala siyang nagawa kundi ang sumigaw hanggang sa mawalan ng malay. Hindi matiis ni Askal si Loro kaya iniligtas niya ito sa kamay ng kamatayan. Binantayan ni Askal si Loro hanggang magkamalay. Dinala niya ito sa tapat ng bahay ng kaniyang amo. Pinagsisihan ni Loro ang mga nagawa niya kay Askal at labis-labis ang pasasalamat niya kay Askal. 1. Ano ang masasabi mo sa katangian ni Loro at Askal? 2. Ano ang naramdaman mo sa inasal ni Loro ka Askal? 3. Ano ang gagawin mo kapag binabato ng kaibigan mo ang isang madungis na aso? 4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Askal tutulungan mo rin ba si Loro? Bakit?