Answer:
Lima ang pangunahing instrumento
Explanation:
Mga Instrumentong Rondalya
1. Ang rondalya ay isang pangkat ng mga instrumentong may kuwerdas. Ito ay kinabibilangan ng mga instrumentong may tono at maaring gamitin na pansaliw sa pag-awit at maari rin namang tumugtog bilang isang pangkat. Karaniwang ginagamit ang rondalya sa mga pagtitipong Filipiniana, sa mga pataltuntunan sa paaralan at sa pistang bayan.
2. Lima ang pangunahing instrumentong bumubuo ng rondalya; ang bandurya, oktabina, laud at baho de arko. Ang instrumentong ito ay may tiyak na tono at may kani-kaniyang timbre kaya’t mayroong bahagi sa awit o komposisyong musikal na bagay sa kani-kanilang tunog. Ang rondalya ay maihahambing sa pag-awit ng may apatang tinig.
3. Ang bandurya ay may maraming kuwerdas. Mayroon itong tatlong kuwerdas sa bawat tono. Ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng “pick” na pinagpapabalikbalik nang mabilis sa isang tono ng magkakalapit na kuwerdas. Ito ay maaaring ihambing sa soprano. Karaniwang tinutugtog nito ang pangunahing himig o melodiya.