1. Ito ay pangkat ng mga instrumentong binubuo ng mga
instrumentong de kuwerdas.
A. Pangkat Kawayan C. Drum and Lyre
B. Rondalla D. Vocal Choir
2. Ang tawag sa uri ng tinig ng boses ng tao o tunog ng instrumento.
A. Choir B. Form C. Rondalla D. Timbre
3. Alin sa mga sumusunod ang timbre ng boses ni Lea Salonga.
A. Alto B. Bajo C. Soprano D. Tenor
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa bajo de arko?
A. mas maliit kaysa gitara
B. ginagamitan ng pick sa pagtugtog
C. nagbibigay saliw at permanenteng ritmo
D. kasinlaki ng tao kaya ang tumutugtog nito ay nakatayo.
5. Ang mga pangungusap sa ibaba ay tumutukoy sa timbre. Alin sa
mga pangungusap ang MALI.
A. Ang lahat ng tao ay pare-pareho ang timbre ng tinig ng boses.
B. Ang timbre ay tumutukoy sa uri ng tunog o tinig.
C. Ang timbre ay nagdedepende sa laki at hugis ng vocal cords.
D. Ang mga batang lalaki ay maaaring isama sa soprano o alto.
6. Alin ang timbre pambabae?
A. Alto at Soprano C. Bajo at Tenor
B. Alto at Bajo D. Soprano at Tenor
7. Alin sa mga sumusunod ang instrumentong kawayan?
A. Panpipe C. Snare drum
B. Lyre D. Banduria
8. Alin sa mga sumusuunod ang instrumentong kasali sa Drum and
Lyre.
A. Glockenspiel C. Bumbong
B. Tulali D. Guitar
9. Ano ang uri ng tinig ni Jose Marie Chan?
A. Alto B. Bajo C. Soprano D. Tenor
10. Ito ay ginagamit sa paghampas sa mga instrumentong percussion?
A. mallet B. kahoy C. kawayan D. plastic