Sumulat ng isang sanaysay/tula/talata na nagpaptungkol sa Epekto ng kaisipang
Kolonyal sa Pamumuhay ng mga Pilipino​


Sagot :

Answer:

Sistemang Encomienda

Ang sistemang encomienda ay isang polisiyang pang-ekonomiya ng Espanya sa mga kolonya nito. Una itong ipinatupad ni Miguel Lopez de Legazpi upang i-organisa ang Pilipinas bilang isang bagong kolonya ng Espanya noong 1570 bilang pagtalima sa kautusan ni Haring Felipe II noong 1558 kung saan ipinamahagi niya sa mga tapat na mga nasasakupan ng Espanya ang Cebu.

Ang salitang encomienda ay hinango mula sa Sp. encomendar na nangangahulugang ipagkatiwala, upang gumawa, maningil na mula naman sa Lat. in- at obsoletong Sp. comendar na hango naman sa Lat. commendare, . Nagsimulang lumitaw ang salitang ito noong 1810 bilang isang pangngalan bagamat naitatag na ang sistemang encomienda noon pang 1503 sa Hispanoamerica kung saan ang isang sundalo o kolonista ay pinagkakalooban ng isang parte ng lupa kasama ang mga naninirahan doon na may karapatang magpataw ng buwis at manghikayat ng mga manggagawa para sa mga sapilitang paggawa sa mga mamamayang sakop nila. Tumutukoy rin ang salitang encomienda sa isang nayon o lupain kasama ang mga naninirahan doon. Sa Cuba, tinatawag itong repartimiento, isang Sistema ng pagbibigay o pamamahagi para sa mga kolonista at establisimiyentong Espanyol sa America upang magpataw ng sapilitang paggawa sa mga mga katutubo sa mga minahan, sa agrikultura, at sa mga pagawain (Hispanoamericano mula sa Sp. repartir, ipamahagi, na hinango naman mula sa Lat. re- + partir, hatiin – Lat. partire, partiri -- + -miento (-mento) mula sa Lat. -mentum.

Ipinamahagi ni Miguel Lopez de Legazpi ang 98 na mga encomienda sa mga naunang Espanyol na kolonista batay sa sistemang ipinatupad sa mga kolonya sa America noon pang panahon ni Cristobal Colon (Christopher Columbus). Sa ilalim ng sistemang ito, ang isang katutubo sa isang rehiyong heograpikal ay nasa ilalim ng isang encomendero o tagapangasiwa bilang gantimpala sa kaniyang katapatan at paglilingkod sa hari ng Espanya. Ang sistemang ito ay hindi katumbas ng pagmamay-ari ng lupa. Tungkulin ng isang encomendero na pangalagaan at turuang magbasa, magsulat, at ng doktrina ng Katolisismo ang mga katutubong nasa kanyang pangangalaga. Bilang kapalit, ang encomendero ay maaring magpataw at maningil ng buwis mula sa mga katutubo at manghikayat ng mga manggagawa para sa polo y servicios. Ang isang encomendero rin ay walang kapangyarihang pulitikal o hurisdiksiyunal sa mga katutubo bagamat siya ay maaring maitalaga sa isang katungkulan sa pamahalaang kolonyal.

Sa Cavite, ang encomienda ng Maragondon ay inilarawan ni Miguel de Loarca na may 450 kalalakihan at sumasaklaw sa mga pamayanang nasa tabi ng dagat (Look ng Maynila) na kinapapalooban ng mga nayon ng Laguo, Manlahat, Longalo, Palañac, Vacol, Minacaya, at Cavite na pawang nasa pamamahala ng isang alcalde-mayor na tumatanggap ng 300 pesong sahod.

Layunin sana ng sistemang encomienda na organisahin ang kolonya at turuan ng doktrinang Katoliko ang mga katutubo ngunit nang lumaon ay ito ang naging dahilan ng pagmamalabis at pang-aabuso sa kanilang mga karapatan. Ito rin ang naging hudyat upang samsamin ang mga lupain mula sa mga katutubo at magpataw ng mataas na buwis pagkatapos na nagbunsod ng pang-aalipin sa kanila. Sa simula rin ay iginagawad ito bilang isang pribilehiyong panghabambuhay ngunit nang lumaon ay maaring manahin sa pamamagitan ng kautusang mula sa Hari ng Espanya na nagpapalawig dito sa dalawang termino – ibig sabihin ay kasali ang anak ng encomendero na nang lumaon ay pinalawig pa sa tatlo kung kaya’t napasama na pati ang mga inapo ng encomendero. Sa paglipas ng mga henerasyon, ang mga encomenda ay umunti ang bilang dahil sa pagkamatay ng mga encomendero o kaya naman ay pagbabalik nila sa Espanya habang ang iba naman ay isinauli ito sa pamahalaan. Noong 1650, sinasabing may mga 241 pribadong encomienda ngunit pagkalipas ng 200 taon, mayroon na lamang 11 na pinamamahalaan ng mga anak at inapo ng mga encomendero.

Explanation:

hope it helps