Upang maiwasan ang paglaganap ng sakit, nagkaroon ng proyekto ang Barangay 430 Zone 44 na pinangalanang "Sagot ko: Tepat at Paligid ng Bahay Ko", na ipinag-uutos sa lahat na panatilihing malinis hindi lamang ang tapat at paligid ng bahay kundi pati ang loob na rin. Bukod sa kalinisan, pinaigting na rin ang suguridad sa barangay sapagkat marami na ang nananakowan dahil naging aktibo na naman ang "Akyat-Bahay Gang". Nagtalaga ang barangay ng mga kagawad na magbabantay sa loob ng 24 oras. Sinumang makakita ng mga kahina-hinalang tao ay dapat ipagbigay alam sa barangay. Dagdag pa nito, nagtalaga ang konseho ng barangay, na aprubahan ng mga miyembro, na dapat sundin ang curfew na 10:00 ng gabi para sa mga kabataang 18 taong gulang pababa upang maiwasan ang kaguluhan sa kalsada. Ipinaalala ng Kapitan ng barangay na si Jose de Jesus na magkampanya ang mga kabarangay niya upang mapalaganap ang alituntuning ito na batas na ring maituturing ng barangay, Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang kampanya ng Barangay 430 Zone 44 sa Maynila? 2. Paano ka makatutulong sa kampanyang ito? 3. Ano ang nagtunsod sa panunuan ng barangay na magpatupad ng curfew para sa mga kabataang edad 18 pababa?