1. Magbabasa tayo ng aklat araw-araw upang madagdagan ang ating kaalaman. Ano ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. ating C. tayo
B. upang D. araw-araw
2. Bukas mo na ibalik ang aking payong. Ano ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. aking C. ibalik
B. bukas D. mo
3. Linggo-linggo kung mamili ng paninda si Aling Fe. Ano ang pang-abay na ginamit sa pangungusap
A. kung C. si
B. ng D. lingo-linggo
4. Sasama ako sa pagsundo kung sasama ka. Ano ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. ako C. kung sasama
B. sa D. sasama
5. Buhat nang dumating ang kaniyang kasintahan ay nag-iba na ang kaniyang pag-uugali. Ano ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. kaniyang pag-uugali C. nag-iba na
B. kaniyang kasintahan D. buhat nang dumating
6-10 Panuto: Punan ng wastong pang-ugnay ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa ng talata.
6. _____________, masaya at malaya pa ang mga tao, lahat ng naising gawin ay kanilang nagagawa dahil wala pang pandemya. Ngunit habang tumatagal ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Unti-unti nang naiba ang mga nakagawian ng mga tao.​