Sagot :
at_answer_text_other
1. KASIPAGAN • Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. • Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya, katapatan, integridad, disiplina at kahusayan na kung saan malaki ang maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang kapwa at sa kaniyang lipunan. • tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao. Nagagamit niya ito sa mabuting pakikipagrelasyon niya sa kaniyang kapwa at mula sa kasipagan na taglay niya ay makatutulong siya na mapaunlad ang bansa at lipunan na kaniyang kinabibilangan.
2. 1. NAGBIBIGAY NG BUONG KAKAYAHAN SA PAGGAWA. • Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain. Hindi siya nagpapabaya, ibinibigay niya ang kaniyang buong kakayahan, lakas at panahon upang matapos niya ito ng buong husay.
3. 2. GINAGAWA ANG GAWAIN NG MAY PAGMAMAHAL. • Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho. Ibinibigay niya ang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa ibig sabihin naroroon ang kaniyang malasakit. Hindi lamang niya ito ginagawa upang basta matapos na lamang kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.
4. 3. HINDI UMIIWAS SA ANUMANG GAWAIN. • Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya. Ito ay ginagawa niya ng maayos at kung minsan ay higit pa na maging ang gawain ng iba ay kaniyang ginagawa. Hindi na niya kailangan pang utusan o sabihan bagkus siya ay mayroong pagkukusa na gawin ang gawain na hindi naghihintay ng anomang kapalit.
5. Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
6. PAGPUPUNYAGI • pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon. Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy na pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakakamit ang mithiin. • mahalagang katangian na makatutulong upang magtagumpay ang isang tao. Sa kabila ng mga balakid at mga problema na kanyang susuungin ay hindi siya dapat panghinaan ng loob bagkus kinakailangan na magpatuloy at maging matatag.
7. PAG-ISIPAN MO ITO: • Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi ay darating ang umaga, at pagkatapos ng hirap ay darating ang ginhawa. Ibig sabihin lamang nito ay gaano man ang iyong pagdaraan na hirap sa iyong gawain ay pagsumikapan mo itong mabuti sapagkat darating ang araw na malalasap mo ang kaligayahan at tagumpay na dulot nito.
8. Mayroong isang ina na sa tuwing papaubos na ang kanilang toothpaste ay pinipiga pa niya ito ng husto, kumukuha pa siya ng gunting upang hatiin ang tube ng toothpaste at simutin na maigi ang laman nito. Para sa kanya kahit kaunti lamang ang makuha niya dito ay magagamit pa niya ito sa kaniyang pagsisipilyo. Para sa kanya, hindi kailangan na punuin ng maraming toothpaste ang haba ng sipilyo, para lamang makapagsipilyo. Sa tuwing siya ay pupunta sa palengke ay sinisiguro niya na umaalis siya ng maaga at siya ay naglalakad lamang imbis na sumakay ng tricycle mula sa kanilang bahay. Ayon sa kanya makatutulong ang paglalakad sa kanyang kalusugan at ang pera na dapat sana’y gagamitin niya bilang pamasahe sa tricycle ay kaniyang itinatabi sa kaniyang lalagyan upang pagdating ng pangangailangan ay makakatulong din ang kaunti niyang naitabi.
9. PAGTITIPID • Ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay ng masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na makapagbigay sa iba. Ang pagtitipid ay hindi ubos-ubos sa pera o bagay na walang saysay. Sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng iyong ginawang pagsisikap at pagtitiyaga.
10. 1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela. Mas makakatipid kung magbabaon na lamang ng pagkain kaysa bibili pa sa kantina o kakain sa labas
at_explanation_text_other