Basahing mabuti ang usapan sa ibaba. Sagutan ang bawat katanungan kung alin ang nagpapahiwatig ng katotohanan at opinyon. Pindutin ang tamang sagot.
Lalaine: Crea! Nakapaghanda ka na ba ng mga bulaklak na iaalay natin sa ika-30 ng Disyembre para sa “Pagdiriwang ng Ika-121 Araw ni Rizal?”
Crea: Parang may mali Lalaine. Hindi ba dapat ay “Pag-gunita sa Ika-121 Araw ni Rizal?”
Lalaine: Bakit mo naman nasabi iyan Crea?
Crea: Ang Ika-30 ng Disyembre kasi ang araw ng kamatayan ni Rizal. Para sa akin, dapat nating gamitin ang salitang “pagdiriwang” sa kaniyang kaarawan na ginaganap tuwing Ika-19 ng Hunyo at “paggunita” naman sa araw ng kaniyang kamatayan.
Lalaine: Oo nga ano? Crea, palagay ko ay tama ka nga!
Tanong:
1) Batay sa iyong binasa, alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasabi ng katotohanan?
Select one:
a.
Ang Ika-30 ng Disyembre ang araw ng kamatayan ni Rizal
b.
Crea, palagay ko ay tama ka nga!
c.
Parang may mali Lalaine.
d.
Hindi ba dapat ay “Pag-gunita sa Ika-121 Araw ni Rizal?”