Sagot :
Kasagutan:
Sino si Apollo sa kwento:
- Sa mitolohiya ay diyos siya ng propesiya, musika, sikat ng araw, at tula.
Ang kwento ni Cupid at Psyche:
Ang kwento ay tungkol sa sakripisyo sa pag-ibig at sa pagtitiwala mo sa isang tao.
Si Psyche ay isang prinsesa na napakaganda kaya ang diyosa na si Venus ay nagseselos sa kanya. Bilang paghihiganti, inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid na paibigin ang dalaga sa isang nakatagong halimaw; ngunit sa halip ay si Cupid mismo ang umibig kay Psyche. Si Cupid ay naging asawa ni Psyche ngunit hindi siya nagpapakita sa dalaga, binibisita lamang niya ang dalaga sa gabi. Sinuway ni Psyche ang utos ng asawa na huwag subukang tumingin sa dito, at sa pagtingin niya sa asawa ay nawala si Cupid sa kanya. Sa paghahanap ni Psyche para sa asawa ay marami siyang pinagdaanang pagsubok na itinakda ni Venus sa pag-asang mapabalik siya. Sa katagalan ay hindi na makaya ni Cupid na masaksihan ang pagdurusa ni Psyche. Sa huli ay naging imortal si Psyche at nagpakasal na silang dalawa.
#CarryOnLearning
APOLLO
Si Apollo ay isang diyos sa mitolohiyang Griyego at mitolohiyang Romano. Siya ay kapatid ni Artemis at sila ay anak ni Zeus kay Leto. Si Apollo ay diyos ng araw, tula, pamamana, liwanag, propesiy at pagpapagaling.
KARAGDAGANG IMPORMASYON
Isa si Apollo sa mga diyos na kasama sa bundok ng Olympus, kung saan kasama niya ang kanyang amang si Zeus at iba pang mga diyos at diyosa. Isa siya sa mga diyos na hindi nagbago ang pangalan noong dumating na ang panahon ng klasikal na Roma.
#CarryOnLearning