Sagot :
Answer:
1. Tekstong Naratibo: Mahusay na pagkukuwento
2. •Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Maaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang. Maari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.
3. •Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksyon (memoir, biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay). Kapuwa gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at kumakasangkapan ng ibat ibang imahen, metapora, at simbolo upang maging malokhain ang katha.
4. Patricia Melendrez-Cruz (1994) •Sa kanyang artikulong “ Ideolohiya Bilang Perspektibong Pampanitikan” na nasa aklat na “Filipinong Pananaw sa Wika, Panitikan at Lipunan,” kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko sapagkat para sa kaniya, ang mahusay na panitikan ay kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na pagsusuri dito.
5. Elemento ng Naratibong Narasyon • PAKSA Pimila ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal na karanasan ang kuwentong nais isalaysay, mahalaga pa ring maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon at mga kahalagahan nito. • ESTRUKTURA Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang ibat ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
6. • ORYENTASYON Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kailan nagyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailalatag ang mga ito sa pagsasalaysay at masasagot ang mga batayang tanong na sino, saan at kailan. PAMAMARAAN NG NARASYON Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa kalagaitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy. May ibat ibang paraan ng narasyon na maaaring gamitin ng manunulat upang maging kapana-panabik ang pagsasalaysay.
7. Paraan ng Narasyon ☆DIYALOGO Sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nagyayari. ☆FORESHADOWING Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kauihinatnan o mangyayari sa kuwento. ☆PLOT TWIST Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalabasan ng isang kuwento.
8. ☆ELLIPSIS Omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala. ☆COMIC BOOK DEATH Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay- linaw sa kuwento. ☆REVERSE CHRONOLOGY Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula. ☆IN MEDIAS RES Nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinapakita ang mga karakter, lunan, at tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.
9. ☆DEUX EX MACHINA ( God from the machine) Isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang “Ars Poetica” kung saan nabibigyang- resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay. Nagbabago rin ang kahihinatnan ng kuwento at nareresolba ang matitinding suloranin na tila walang solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao, bagay at pangyayari na hindi naman naipakilala sa unang bahagi ng kuwento.
10. • KOMPLIKASYON O TUNGGALIAN Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan. Ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan. Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging resolusyon ng kuwento. • RESOLUSYON Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaring ang resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.
11. • PAGSULAT NG CREATIVE NON-FICTION Ang Creative Non-Fiction (CNF) ay kilala rin bilang literary non-fiction o narrative non-fiction. Ito ay isang bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng istilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak na salaysay o narasyon. Ilan sa mga katangian at layunin ng CNF ang maging makatotohanan, ibig sabihin ay naglalahad ng tunay na karanasan, naglalarawan ng realiad ng natural na mundo, at hindi bunga ng imahinasyon.
12. Kredits: San Antonio School (2017-2018) Grade 11- St. Louie Elizabeth Palasan