II. Tukuyin kung anong uri ng kaalamang bayan ang sumusunod na pahayag. Isulat ang Tugmang de Gulong, Palaisipan, bugtong o Awiting Panudyo. 1. Ako ay isang lalaking matapang, Huni ng tuko ay kinakatakutan. 2. Likido ang ikinabubuhay niya, Hangin ang ikinamatay niya. 3. Ito namang pinsan ko,saka lang kikilos kung pinapalo. 4. Bahay ni Donya Ines, napaliligiran ng butones. 5. Ang di magbayad walang problema, sa karma palang bayad kana. 6. Huwag kang magpadekwatro, ang dyip ko'y di mo kwarto. 7. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha nag bola nang di man lang nagagalaw ang sobbrero? 8. Ang amoy mo ay parang isda, kasing amoy ng patay na daga. 9. Sitsit sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ay "para" sa tabi tayo'y hihinto. 10. Isang baging, iisa ang dahon.