Sagot :
Answer:
Mga Bahagi Ng Talata
Ang pangunahing kaisipan, pantulong na kaisipan at paksang pangungusap ay kabilang sa mga bahagi ng isang huwarang talata (brainly.ph/question/600421) .
Pangunahing kaisipan - Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa diwa ng buong talata. Ang diwa ay ang kaisipan o ideya na binibigyang diin sa talata. Kadalasan itong matatagpuan sa pangunahing pangungusap.
Pantulong na kaisipan - Ang pantulong na kaisipan naman ay siyang mga kaisipan na tumutulong upang mas mapalitaw ang pangunahing kaisipan. Sa tulong ng mga pantulong na kaisipan ay mas nauunawaan ng mambabasa ang diwa na nais iparating ng talata. Ang mga pantulong na kaisipan ay kadalasan matatagpuan sa mga pansuportang detalye.
Paksang pangungusap - Ang paksang pangungusap naman ay ang pangungusap na matatagpuan sa unahan o hulihan ng isang talata. Ito ay tinatawag na paksang pangungusap sapagkat nas pangungusap na ito ang diwa o ang pangunahing kaisipan. Kapag ang panunahing pangungusap ay nasa hulihan, tinatawag itong inverted paragraph.
Bigyang pansin ang talatang ito:
Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang tao. Kapag matatag ang loob ng isang tao ay nalalampasan niya ang bawat pagsubok. Ano man ang pagsubok na dumating ay hindi niya ito inaayawan. Sa halip, ay buong lakas na hinaharap. Kaya, mahalagang ang isang tao ay may matatag na kalooban.