Panuto: (TAMA O MALI) Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang I kung tama at M kung mali
ang nakasaad sa pangungusap.
1. Ang kultura ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga
tao sa isang tiyak na teritoryo na may pagkakakilanlan.
2. Sa pagkatuklas ng apoy, natutong magluto ng pagkain ang mga unang tao,
3. Ang wika ang itinuturing na mahalagang sangkap sa pagpapalaganap ng kaisipan,
karanasan, mithiin, paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga.
4. Ang palarawang sining ng mga Asyano ay kilala sa pagsasalarawan ng mga
makamundong bagay tulad ng damit at pagkain.
5. Ang pagmamahal ay isang sakramento o seremonya sa pamilyang Asyano na
batayan sa pagsisimula o paglaki ng pamilya.
6. Ang pamahalaan ay isang institusyong ginagalang at sinusunod ng mga
nasasakupan, may mga pinuno at mga batas o alituntunin na pinatutupad.
7. Edukasyon ang humuhubog kung paano mamumuhay ang tao sa mundo at
mabibigyan ito ng kahulugan.
8.Sa pag-unlad ng agrikultura nagkaroon ng pantustos ng pagkain ang tao.
9. Ang sining ng mga Asyano ay umiinog sa relihiyon.
10. Sa ilalim ng pilosopiya ng Estadong Darma ay nagkaroon ng sentralisadong sistema
ng pagbubuwis.
11. Nagsimula ang edukasyong pormal nang mailimbag ang kauna-unahang aklat sa
Asya na Diamong Sutra.
12. Walang bakas ng wikang Sanskrit ang wikang Filipino.
13. Ang musika ay binubuo sa pamamagitan ng ritmo na nagbigay ng isang batayang
nota.
14. Ang templo ng Borobudur sa Java at Angkor Wat sa Cambodia ay patunay ng husay
at galing ng mga Asyano sa larangan ng panitikan.
15. Ang tradisyunal na musika sa mga bansang Asyano ay binuo sa pamamagitan ng
sama-samang ideya ng pangkalawakan (cosmic), pilosopiya, at agham,​