Atin sosyo-historikal na konteksto nito. munang tuklasin kung ang kahulagan ng dula. Ano kaibahan nito sa dulang pantelebisyo at ano-ano ang mga elemento at Ang dula ay hango sa salitang Griyego na "drama" na nangangahulugang gawin o ikilos. Ito ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ito rin may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan. Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal at hango sa tunay na buhay o isinusulat bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat. Kasintanda ng kasaysayang ng Pilipinas ang dula. Ito naging bahagi na ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga Pilipino. Layunin ng mga mandudula ang magbigay aliw sa mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay ng isang tao. Ang dulang pantelebisyon ay mula sa konsepto o istorya na nakabatay sa iskrip at kadalasang pinapalabas gabi-gabi o linggo- linggo. Ito ay tumutukoy sa mga programang palabas sa telebisyon o mga produksyong medya. Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng isang lugar. Binubuo ito ng gumagalaw na larawan at tunog na lumilikha ng kapaligiran at mga karanasang malapit sa katotohanan na tinatawag ng iba na de kahong libangan. Patuloy na nakilala, pinagyaman, pinahalagahan at tinangkilik ang mga teleserye o dulang pantelebisyong pumatok at tumatak sa puso at isip ng bawat Pilipino at maging sa iba pang panig ng mundo. Mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon • Karakterl Aktor (Bida/Kontrabida) - Ang mga nagsisiganap na tauhan at nagsasabuhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo o bumibitaw ng mga linya. • Dayalogo- ang mga binibitawang linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Sagutang pag-uusap ng mga nagsisiganap. • Direktor o Taga - direhe - ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. • Iskrip - ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Dito makikita ang banghay sa isang dula. • Manonood -- ang nagbibigay halaga sa dula Tanghalan - tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang isang dula. Maaaring sa kalsada, isang silid, o tahanan. Tema - ang pinakapaksa ng isang dula. .