at_answer_text_other
SIMBOLO AT SAGISAG NG LALAWIGAN
Ang simbolo at sagisag ng isang lalawigan ay maituturing na isang pananda. May mga kahulugan ang bawat simbolo sa sagisag ng bawat lalawigan. Ang mga kahulugan nito ay sumasalamin sa kung ano ang mayroon sa ang isang lalawigan.
KAHALAGAHAN NG SIMBOLO AT SAGISAG NG ISANG LALAWIGAN O REHIYON
Narito ang ilan sa mga kahalagahan ng simbolo at sagisag ng isang lalawigan o rehiyon.
Dahil sa simbolo at sagisag ng isang lalawigan o rehiyon ay nagkakaroon ito ng pagkakakilanlan sa iba pang lalawigan at rehiyon
Dahil din sa simbolo at sagisag ay mas konkretong naipapakita ng isang lalawigan o rehiyon ang mga paniniwala, kultura, at iba pang mga katangian na mayroon ito.
Dahil din sa simbolo at sagisag ng isang lalawigan o rehiyon ay mas epektibo nitong naipaparating sa mga tao lalo na sa mga dayo kung ano ang meron sa lalawigan o rehiyon.
at_explanation_text_other