Panuto: Isulat ang titik T kung tama at M kung mali.
1. Nakatuon ang pag-aaral ng Ekonomiks kung papaano gumagawa ng tamang desisyon ang bawat tao at lipunan nang sa gayon ay magamit ng episyente ang mga pinagkukunang yaman.
2. Magagamit ang mga kaalamang natutunan sa Ekonomiks upang maging matalino, mapanuri, mapagtanong sa mga isyung panlipunan at magkaroon ng pamantayan sa pagbuo ng matalinong pagpapasya.
3. Nagsisilbing batayan ang mga konsepto sa Ekonomiks upang episyenteng magamit ang yaman na mayroon ang sarili, ang pamilya, at ang lipunang kinabibilangan.
4. May limitasyon ang mga pinagkukunanang-yaman.
5. Ang iyong kaalaman sa Ekonomiks ay makatutulong upang makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon ng iyong pamilya.
6. Sa pag-aaral ng Ekonomiks, mahuhubog din ang iyong pagiging maawain sa kapwa.
7. Hindi na mahalagang pag-aralan ang Ekonomiks kung wala ka namang balak magkolehiyo.
8. Dapat unahing tugunan ng tao ang kanyang mga kagustuhan kaysa pangangailangan.
9. Magagawa mo lang ang cost-benefit analysis kung magaling ka sa Mathematics.
10. Ang cost -benefit analysis pagkokompyut ng kabuuhang gastos ng pamilya sa loob ng isang taon.