6. Aling pangyayari sa ibaba ang nagpapakita ng pagpapanatili ng kapayapaan? A. hindi pagsunod sa usapang tigil-putukan B. negosasyon na pangkapayapaan ng pamahalaan C. giyera sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at militar D. pagpapasabog sa mga pampublikong lugar ng mga grupong makakaliwa. 7. Ano ang tawag sa probisyon na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino, bata man o matanda? A. Education for All B. K to 12 program C.Alternative Learning System D.Program para sa Indigenous People 8. Bakit ipinatupad ang K to 12 Basic Education Program sa buong bansa? A. upang humaba pa ang pag-aaral ng mga bata B. upang mas lalong humusay at tumalino ang lahat C. upang higit na madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral D. upang magkaroon ang mga mag-aaral nang lubos at tuloy-tuloy na pagkatuto sa mga kasanaya at magkaroon ng kahandaan sa kolehiyo o pagtatrabaho. 9. Saan maaaring pumunta ang mga buntis o mga kababaihan upang makahingi ng libreng gamut o bitamina na matatagpuan sa bawat barangay? A.Health Center B.Hospital C. Philhealth D.Sentrong Pangkaalaman 10. Paano nakatutulong ang Philhealth sa mga mamamayan? A. Nagkakaloob ng bakuna sa mga sanggol. B. Nagbibigay ng libreng pagpapatingin sa doktor. AP-4-pahina 3