Sagot :
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS SA PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY
Ang Kahalagahan ng Ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay sa isang Mag-aaral, kasapi ng Pamilya at Lipunan ay nagbibigay ito ng tulong upang malaman ang limitasyon ng bawat isa lalo na pagdating sa pera. Nakakatulong ang ekonomiks upang matuto, may kinalaman sa kung paano babalansehin ang mga gastusin at pangangailangan ng isa.
Bilang isang Mag-aaral
Nakatutulong sa pagba-budget ng allowance ang Ekonomiks. Batid ng isang mag-aaral na ang paggastos ay nakalimita lang dapat sa kung ano lang ang mga mahahalaga. Kung batid ng isang mag-aaral na may pagtaas ng mga presyo, natututunan niyang maging wais sa pagpili ng mga bibilhin niya.
Halimbawa:
Ang pagbili ng kape sa mamahaling coffeeshop na itinaguyod ng dayuhan sa bansa ay hindi na praktikal. Kung gustong magkape, maaaring ugaliing pumili ng isang kapehan na mas mura at itinaguyod ng isang kapwa Pilipino na siyang gumagawa ng paraan para maiahon ang sarili. Dahil mas mura ang produkto sa lokal na negosyo, hindi lamang ito praktikal sa mag-aaral na mahilig magkape tuwing nag-aaral kundi nakatutulong pa ito sa paghahanap-buhay ng kapwa niya kababayan.
Bilang Kasapi ng isang Pamilya at Lipunan
Dapat ay nag-iipon ang isang indibidwal para sa kanyang kinabukasan: mga magiging pangangailangan pa, para sa pag-aaral at / o pagkuha ng trabaho sa hinaharap o para sa pagnenegosyo, at napakarami pang iba.
Dahil ang ekonomiks ay pag-alam sa limitasyon ng mga pangangailangan ng isang tao, ang isang kasapi ng pamilya ay dapat may kanyang ambag hindi lamang para sa sarili niya kundi para sa pamilya at maiimpluwensyahang lipunan.
Mga Kahalagahan pa ng Ekonomiks
- Nagsusumikap ang isang mag-aral na kapag nakapagtapos ay hindi mapapabilang sa unemployed rate ng bansa at makatutulong pa sa pag-unlad at pag-asenso ng ekonomiya ng bansa.
- Dahil sa kaalaman sa ekonomiks at daloy ng pera sa bansa, nauunawaan dapat ng isang mamamayan kung bakit may mga mahihirap na tao. At dahil dito, dapat nagsusumikap ang isang mamamayan para mabigyan ng mas maayos na pamumuhay ang mga tao sa kanyang paligid. Ito ay malaking pag-ambag sa ekonomiya para maging maganda ang distribusyon ng mga yaman sa lahat ng tao sa lipunan. Dapat alam din ng mga mamamayan na ang pagbabayad ng buwis ay kailangan dahil ito ang nagiging dugo ng pamahalaan para paglingkuran nang maayos ang lipunan ngunit dapat batid din ng mamamayan na kailangan niyang kumilos at lumaban para baguhin ang sistema ng pamahalaang nagiging korap at gahaman sa yaman ng bayan.
- Naaapektuhan ng kaalaman sa ekonomiks ang politikal na perspektibo ng isang tao lalo kapag pumipili ng mga pinuno na maglilingkod. Dahil sa ekonomiks, nahahalata ng mga mamamayan kung sino lang ang may mga personal na agenda, sariling interes, at kung sino ang totoong inaalay ang sarili sa bansa dahil wala siyang conflict of interests, hindi kabilang sa pamilyang nasa political dynasty, at hindi pumapanig sa mga pinunong kilala na bilang mga korap na tao.
- Para sa epekto ng ekonomiks sa pangaraw araw na pamumuhay, tingnan ang: brainly.ph/question/347921
- Para sa kahulugan ng Ekonomiks: brainly.ph/question/302889
- Para sa Kahalagahan ng lokasyon ng pilipinas sa ekonomiya at politika sa asya at mundo, tingnan ang: brainly.ph/question/320633
- Bakit itinuring na agham panlipunan ang ekonomiks? Bisitahin ang: brainly.ph/question/157076
Kahalagahan ng Ekonomiks sa Lipunan:
Ang ekonomiks ng Pilipinas ay isa sa mga isinasaalang-alang na talakayin sa ASEAN.
Ano ang Layunin ng ASEAN?
Layunin ng samahang ito ang:
- Pagtaguyod ng paglago ng ekonomiya at kaunlarang panlipunan.
- Pagsulong ng mga kultura sa mga kasapi
- Pagpapalaganap ng kapayapaang pangrehiyon
Ano ang Kahalagahan ng ASEAN?
Ang mga bansang-kasapi ng ASEAN at nakapagpatibay ng mga pangunahing prinsipyo para sa kanilang mga ugnayan ng mga bawat isa.
Ano-anong Bansa ang kasapi sa ASEAN?
Ito ay itinatag noong 8 Agosto 1967 at binubuo ng mga bansang:
- Indonesia
- Malaysia
- Pilipinas
- Singapore
- Thailand.
Ano ang ibig sabihin ng ASEAN summit?
Ang ASEAN o Association of Southeast Asian Nations summit ay isang kapisanang pang-heopolitika, pang-ekonomiya, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.