Elemento ng isang Epiko
Sukat at Indayog - ito ang tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod
Tugma- ang epiko ay sinasabing may tugma kung ang mga huling pantig ng bawat taludtod nito ay magkakasintunog o magkakahawig ang tunog nito.
Taludturan- ito ay pagpapangkat ng mga talutod ng isang tula. Saknong ang isa pang tawag dito.
Matatalinhagang salita- na tinatawag ding idyoma.
Baghay- ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Na binubuo ng panimula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan at wakas.
Tagpuan- ito ay ang lugar kung saan nagaganap o ginanap ang pangyayari.
Tauhan- ang mga tauhan ang siyang kumikilos sa isang epiko. Na maaring ang mga tauhan dito ay may taglay kakaibang o di pangkaraniwang kapangyarihan