Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Komprehensibo ang manwal. Ano ang ibig sabihin ng komprehensibo? A. malawak ang saklaw C. tiyak ang saklaw B. maliit ang saklaw D. payak ang saklaw
2. Alin sa sumusunod ang gagamiting manwal sa pag-aayos ng sira o pagpapalit ng depektibong bahagi? A. Manwal-Serbisyo C. Manwal sa Pagbuo B. Teknikal Manwal D. Manwal Para sa Pagsasanay
3. Tinatawag ding kalatas ang liham. Ano ang ibig sabihin ng kalatas? A. balangkas B. saknong C. sulat D. talata
4. Kailangang tiyak at tama ang detalye ng isusulat sa isang liham pangnegosyo. Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan? A. pormal ang pananalita C. tamang gramatika B. tama ang detalye D. wasto ang balangkas
5. Anong bahagi ng liham makikita ang logo ng kompanya o institusyon na pinagmumulan ng liham? A. lagda B. katawan C. patunguhan