II.
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T kung ang isinasaad ay paraan ng pagtugon
ng mga katutubo sa kolonyalismo at titik M kung hindi nagsasaad. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Dumanas ng diskriminasyon ang mga Pilipino na nagnais na
pasukin ang pagpapari. May nagplano ng mga lihim na
pagtitipon upang isagawa ang pag-aalsa.
2. May mga katutubong mangangalakal na inagawan ng kabuhayan
sa buhay. Hindi nila inalintana ang yaman at kaligtasan sa
kamay ng mga dayuhan. Ipinaglaban nila sa pamamagitan ng
pag-aalsa ang kanilang karapatan.
3. Binabantayan ng mga sundalong Espanyol ang mga katutubong
manggagawa.
4. Dumanas nang matinding kalupitan ang mga katutubo sa ilalim
ng pamahalaang kolonyal pero nanatili pa rin silang sunod-
sunuran at sinarili na lang ang paghihinagpis na kanilang
nararamdaman.
5. Hindi idinaan sa dahas ni Jose Rizal ang ninanais na pagbabago
sa ilalim ng pamahalaang kolonyal.
6. Nagpatupad ng mga patakaran ang pamahalaang kolonyal para
sa mga katutubo.
7. Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay akda ni
Jose Rizal naglalayong punahin ang mga maling
pamamalakad ng mga dayuhan sa Pilipinas.
8. Ang mga namumunong Espanyol sa pamahalaan ay naging
palalo at mapagmataas sa kanilang posisyon.
9. May mga katutubo na naging taksil sa kapwa Pilipino. Sila ay
lihim na nakipag-ugnayan sa mga dayuhan kapalit ng kanilang
kahilingan
10. Mas pinili ng mga mayayamang katutubo na maging tapat sa
pamahalaang kolonyal at tinalikuran ang hinihiling na suporta
ng kapwa Pilipino.