Tayahin
Panuto: Basahin at unawin ang mga sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Nakita mong itinapon ni Lina ang kanyang basura sa harap ng silid-aralan.
Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagsawalang bahala ang nasaksihan.
B. Kausapin si Lina na ilagay sa tamang basurahan ang itinapon
C. Sabihin sa mag-aaral ang ginawa ni Lina upang mapag-usapan siya.
2. Napanood mo sa telebisyon ang tamang pagtatapon ng basura. Ito ay ang
paghihiwalay ng uri ng basura. May basurang nabubulok, di-nabubulok at
maaari pang gamitin. Bilang isang mamamayan, paano ka makikiisa sa
programang ito?
A. Sundin ang tamang proseso sa paghihiwa-hiwalayin ang mga basurang
itatapon
B. Ipagpatuloy kung ano ang nakasanayang gawi sa pagtatapon ng
basura.
C. Huwag pansinin kung anuman ang napanood.