Gawain 2
Basahin ang talata.
Dahil sa kagagawan ng mga taong walang pakialam sa kalikasan, unti-unti nang nanala
ng ganda ang ating mahal na kalikasan. Sunog dito, sunog doon. Walang katapusang pagsusunog ng
mga plastik, goma at iba pang basura. Dahil dito, ang kalikasang dapat nating iningatan ay unti-
nang nasisira.
Ang pagsusunog ng basura ay isang paraan ng paggawa ng lason na kemikal na sumasama
sa hangin na ating nalalanghap. Dahil dito, sakit ang ating makukuha sa maruming hangin na ating
nilalanghap. Apektado din ang mga isda dahil ang mga ibang pabrika sa ilog o dagat naman nila
tinatapon ang kanilang mga kemikal na mula sa kanilang mga makina. Malalason ang mga isda.
mamatay ang mga ito o kapag nakain natin ang mga ito, tayo din ay makakukuha ng sakit
Sa dami ng masamang epekto ng pagsusunog ng basura sa ating kalikasan at sa ating mga
mamamayan kaya ipinagbawal nila ito. Ayon sa Section 48 ng Republic Act No. 9003 o tinatawag na
Solid Waste Management Act, ang pagsusunog ay ipinagbabawal sa ating bansa dahil sa masamang
epekto nito sa kalikasan at sa mga mamamayan. Ito ay ipinatupad ng gobyerno sa ilalim ng opisina ng
Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo upang matigil ang pagsusunog ng mga basura?
Bakit?





:pls patulong po​


Sagot :

Answer:

ang aking maitutulong upang matigil ang pagsusunog ng mga basura ay disiplinahin ang mga taong gumagawa nito at pagsabihan ko ito at gagawa ako ng karatula ng "BAWAL MAGSUNOG NG BASURA". dahil kapag patuloy pa ito ay magiging masama ang kalusugan ng tao at magiging madumi ang hangin

"BRAINLIEST NALANG PO KUNG TAMA"