Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga na mas kilala bilang Lea Salonga ay ipinanganak noong ika- 22 ng Pebrero 1971 Sa Medical Center Manila. Si Lea Salonga ay ang unak anak nina Ganuino Feliciano Salonga at Ligaya Alcantara Imutan. Siya ay may isang kapatid na nagngangalang Gerard Salonga na isang kompositor.

Nanirahan sila sa Angeles City nang anim na taon. Noong oras na para siya ay magaral, dinala silang magkapatid sa Maynila upang mabigyan ng mas maayos at mahusay na edukasyon. Si Lea ay nagaral sa O.B. Montessori Center sa Greenhills, Manila mula elementarya at hayskul. Isa siya sa mga aktibong estudyante sa produksiyon ng paaralan at nagtapos bilang isang Valedictorian. Pumasok rin siya sa Unibersidad ng Pilipinas sa isang programa ng Kolehiyo ng Musika kung saan naglalayong magsanay ng mahuhusay na mga bata sa musika at pag galaw sa entablado. Si Lea ay nagaral din ng Pre-med o BS Biology sa Ateneo De Manila University. Siya ay naniwala at umasa na magiging isang doktur ngunit ito ay napigilan dahil sa kanyang patuloy na pagsikat.

Una siyang nakilala sa The King and I ng Repertory Philippines noong siya ay pitong taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inerekord naman niya ang awiting Small Voice at ito ang naging simula nang pagiging mabango ng kaniyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mangaawit sa Filipinas. Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya ay napiling gumanap bilang Kim sa tagumpay na musical na Miss Saigon nonng 1989.

Si Lea Salonga ay nagtamo ng gantimpala mula sa pinaka respetadong tagapaggawad ng parangal at itinanghal bilang kauna-unahang Filipina na nagkamit ng Laurence Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatanging niyang pagganap bilang Kim.

Noong 1993, siya ay gumanap bilang Eponine, isang batang ulila sa Broadway production na Les Misérables. Siya rin ang umawit ng A Whole New World sa pelikulang Aladdin sa boses ni Princess Jasmine at Fa Mulan para sa Mulan at Mula II noong 1998 at 2004. Ang kaniyang tagumpay sa Filipinas at sa iba pang mga bansa ang siyang nagbukas ng oportunidad sa ibang Filipino entertainers upang makilala at kinalaunan ay nag alay din ng karangalan sa ating bansa.

Sa gitna ng kaniyang kasikatan, nakilala niya ang kanyang napangasawa na si Roberto Chien. Sila ay nagkakilala sa pamamagitan ng pinsan ni Robert na si Cristine. Nang sila ay lubos nang magkilala at makalipas ang ilang taon ay hiningi ni Robert Chien ang kamay ni Lea para pakasalan siya noong Hulyo taong 2002. Bilang pagkikila nilang mag-asawa sa musika, isa sa kanilang ibinahagi sa mga bisita ay isang cd na naglalaman ng kanilang paboritong kanta kasama ang espesyal na kanta na kanilang isinulat para sa araw ng kanilang kasal. Ang cd na iyon ang sumisimbolo ng kanilang wagas na pagiibigan at panigurado ito ang kanilang paboritong kantahin. Biniyayain rin sila ng isang anghel na nagngangalang Beverly Salonga Chien. Nang dumating sa buhay ni Lea ang kaniyang asawa at anak nabago ang kaniyang paningin sa buhay. Ang kaniyang pamilya ang ginawa niyang inspirasyon para siya ay mas lalong mag pursugi at magpatuloy ang kaniyang pagiging mahusay na aktres at mangaawit ng ating bansa.

Explanation:
Sana Makatulog☺️​