I.
Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod na pangyayari ay tama
at MALI naman jung hindi tama. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
1. Ang mga kabundukan ng Cordillera ang isa sa mga lugar na hindi
napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol.
2. Ang paniniwalang animismo ng mga Igorot ay itinuturing ng mga Espanyol na
isang uri ng pagsamba sa mga diwata.
3. Nagpadala ng misyon si Legazpi sa Ilocos sa pamumuno ng kaniyang apo na si
Juan de Salcedo upang siyasatin ang mga gintong ibinibenta ng mga
Igorot.
4. Lalong umigting ang paghahanap ng ginto sa pagsiklab ng Twenty Years War sa
Europe dahil sa matinding pangangailangan ng Spain.
5. Ipinadala ng mga Espanyol ang mga pareng Dominikano at Augustiniano upang
gawing Kristiyano ang mga Igorot.
6. Naging malugod ang pagtanggap ng mga Igorot sa tangkang pagbibinyag sa
kanila sa Kristiyanismo.
7. Upang mabantayan ang mga Igorot gayundin ang mga taga Pangasinan, itinatag
ng mga Espanyol ang Comandancia del Pais de Igorrotes.
8. Sa ilalim ng monoployo ng tabako, naging masaya ang mga Igorot dahil sa
pantay-pantay na pagtrato sa kanila ng mga ahente ng pamahalaan.
9. Mula sa ika-7 hanggang ika-14 na siglo, ay sinakop ng mga Moors, mga Muslim
sa kasalukuyang Algeria at Morocco, ang Spain.
10. Sa unang digmaang Moro inilunsad ang kauna-unahang jihad o banal na
digmaan laban sa mga Espanyol na pinamunuan ni Sultan Kudarat.​